1
00:00:13,520 --> 00:00:16,960
Malapit na ang North London derby.

2
00:00:18,160 --> 00:00:20,920
Walong araw na lang,
maglalaban ang Arsenal at Tottenham.

3
00:00:21,000 --> 00:00:24,120
Isa ito sa pinakamatinding laban
ng football sa buong mundo.

4
00:00:24,200 --> 00:00:26,960
At walang kapantay na pagsubok ito
para sa mga manlalaro,

5
00:00:28,920 --> 00:00:32,759
Pero bago sila magpokus dito,
kailangan muna nilang harapin ang Burnley.

6
00:00:36,080 --> 00:00:39,040
Mula sa kanilang panalo sa Premier League,

7
00:00:39,080 --> 00:00:43,200
tinatahak ng Arsenal ang
460-milya patungong Lancashire.

8
00:00:47,800 --> 00:00:50,320
Ang sabi-sabi sa Arsenal sa ngayon,

9
00:00:50,400 --> 00:00:54,360
isang laro na lang
bago bumalik sa peligroso ulit

10
00:00:54,440 --> 00:00:55,440
Oo.

11
00:00:57,360 --> 00:01:00,680
BURNLEY V ARSENAL
TURF MOOR STADIUM SETYEMBRE 18 2021

12
00:01:01,960 --> 00:01:04,680
Pressure pa rin si Mikel Arteta.

13
00:01:05,880 --> 00:01:08,880
Sa ngayon, naglaro
ang Arsenal nang apat na beses

14
00:01:08,960 --> 00:01:10,760
at napapuntos ng isang beses lang.

15
00:01:13,760 --> 00:01:15,160
Nag-umpisa na kami.

16
00:01:20,000 --> 00:01:23,480
Magaling na galaw ni Saka,
na tumatakbo sa depensa ng Burnley dito,

17
00:01:23,560 --> 00:01:27,560
may tyansang maka-goal si Pépé,
pero walang pakundangang pinatid.

18
00:01:42,200 --> 00:01:44,640
Kahanga-hangang
kaliwang-strike mula kay Ødegaard.

19
00:01:44,720 --> 00:01:46,880
Trenta minutos na ang
lumipas dito sa Turf Moor.

20
00:01:46,960 --> 00:01:48,759
Nangunguna ang Arsenal ng isang puntos.

21
00:01:51,920 --> 00:01:55,560
Yun ang unang puntos ng Norwegian
simula nung bumalik siya sa Arsenal.

22
00:01:58,080 --> 00:01:59,320
At iyan ay buong oras.

23
00:01:59,400 --> 00:02:04,040
Ang sipa ni Ødegaard ay sapat
na upang makapuntos ng tatlo.

24
00:02:04,480 --> 00:02:07,840
Paangat na ang Arsenal.
Tumalbog sila sa dalawang panalo nila.

25
00:02:07,920 --> 00:02:09,720
Bumubuo sila ng lakas.

26
00:02:17,160 --> 00:02:22,120
Ilang minuto lamang matapos ang huling
sipol, isa lang iniisip ng mga tagahanga.

27
00:02:22,320 --> 00:02:26,160
'Di ka pwedeng pumunta sa North London
at umasang matatalo sila, 'di ba?

28
00:02:26,560 --> 00:02:28,720
Napakalaking hamon
ang Tottenham sa susunod.

29
00:02:29,400 --> 00:02:33,440
'Di ako masyadong positibo,
gayundin na 'di ako negatibo,

30
00:02:33,560 --> 00:02:37,040
pero alam mo, sadyang ganoon
ang pagsuporta sa Arsenal.

31
00:02:40,600 --> 00:02:45,440
Ang panalo nila ay nagtanim ng paniniwala
habang pabalik sila sa North London.

32
00:03:00,960 --> 00:03:04,160
Mahal mo ang ginagawa mo.
Pasyon ang tawag diyan.

33
00:03:05,040 --> 00:03:08,000
Kailangan nating maniwala.
Kailangan nating sumigla.

34
00:03:09,200 --> 00:03:11,320
Sabihin sa kanilang nagmamalasakit kayo.

35
00:03:11,840 --> 00:03:12,800
Gawin natin to.

36
00:03:13,520 --> 00:03:15,880
LAHAT O WALA: ARSENAL

37
00:03:15,960 --> 00:03:18,640
ISINALAYSAY NI
DANIEL KALUUYA

38
00:03:22,280 --> 00:03:28,280
48 ORAS BAGO ANG NORTH LONDON DERBY

39
00:03:34,200 --> 00:03:36,079
Alam ba ng maraming tao ang kuwento?

40
00:03:36,160 --> 00:03:37,880
Walang nakakaalam tungkol dito.

41
00:03:37,960 --> 00:03:43,680
Ito ang unang pagkakataon na sasabihin ko
kung bakit lagi akong may bituin

42
00:03:44,720 --> 00:03:47,200
habang nakikipaglaro sa Tottenham.

43
00:03:49,520 --> 00:03:51,920
Noong 2016,

44
00:03:52,720 --> 00:03:56,840
nawala ang lolo ko, kalaban namin
ang Tottenham sa araw na iyon.

45
00:03:57,960 --> 00:04:02,480
Kaya may bituin palagi
'pag sila ang kalaban dahil,

46
00:04:03,560 --> 00:04:06,280
sa araw na iyon,
nakapuntos ako ng dalawa para sa kanya

47
00:04:06,360 --> 00:04:11,080
at napakasaya ko noon at kaya simula noon,

48
00:04:11,160 --> 00:04:15,120
may ginagawa ako para sa kanya,
at siya ang bituin ko.

49
00:04:17,360 --> 00:04:18,680
Papagawa ka ng bituin?

50
00:04:18,760 --> 00:04:20,120
-Maganda ba silang tingnan?
-Sobra.

51
00:04:20,200 --> 00:04:21,200
-Gusto mo ba?
-Oo.

52
00:04:21,240 --> 00:04:23,120
Gusto mo ba sila?

53
00:04:27,880 --> 00:04:30,440
Anong pakiramdam kung
makakapuntos ka sa Linggo?

54
00:04:34,800 --> 00:04:39,520
Tiyak na napakasarap. Sana, mangyari.

55
00:04:40,320 --> 00:04:44,880
Pero alam ko kung ako ay makakapuntos.

56
00:04:45,520 --> 00:04:48,440
Nakapuntos ako
sa ilang derby dito sa atin,

57
00:04:48,520 --> 00:04:52,720
kaya alam ko yung pakiramdam,
at hinihintay ko lang ito.

58
00:05:09,600 --> 00:05:10,920
Magandang umaga.

59
00:05:11,000 --> 00:05:15,000
Gagawa tayo ng simpleng ehersisyo,
ipapaliwanag ko kung bakit pagkatapos.

60
00:05:15,080 --> 00:05:17,640
May makikita muna kayong imahe.

61
00:05:17,720 --> 00:05:21,920
Ang kailangan niyo ay...
bibigyan ko kayo ng 45 na segundo,

62
00:05:22,240 --> 00:05:26,160
tatandaan niyo kung anong naroon.

63
00:05:26,240 --> 00:05:28,120
Hindi ito kumpetisyon.

64
00:05:28,200 --> 00:05:30,920
Simple lang, magkamali ka man,
'wag kang mag-alala.

65
00:05:31,000 --> 00:05:32,480
Mukhang nag-aalala si Pépé.

66
00:05:34,920 --> 00:05:38,400
Nico, nag-aalala ka? 'Di ito pagsusulit.

67
00:05:41,280 --> 00:05:44,720
Dapat yung posisyon at numero.
Tandaan niyo.

68
00:05:48,880 --> 00:05:54,159
Ilan ang nakuha niyo sa banda rito,

69
00:05:54,240 --> 00:05:58,120
at ilan ang nakuha niyo dito? Kieran.

70
00:05:58,200 --> 00:06:00,440
Sinubukan kong tandaan ang kanang bahagi.

71
00:06:00,520 --> 00:06:02,760
-Nakuha mo ba lahat dito?
-Hindi.

72
00:06:03,160 --> 00:06:04,160
Ben?

73
00:06:04,240 --> 00:06:06,480
Kailangan magtagumpay
ang team ni Mikel Arteta.

74
00:06:07,320 --> 00:06:09,000
Hindi ka umabot dito?

75
00:06:09,080 --> 00:06:13,120
Ito ay ang pag-alam kung nasaan
ang bawat isa sa pitch sa kanilang isip.

76
00:06:13,200 --> 00:06:16,200
-Maayos lahat sa kaliwa? At dito?
-Kulang ang oras.

77
00:06:18,760 --> 00:06:21,480
Masasabi niyo bang, karamihan sa inyo,

78
00:06:21,560 --> 00:06:25,360
ay makukuha ang kanang bahagi ng 100%,

79
00:06:25,440 --> 00:06:29,680
at mahihirapan kayong kunin
ang 30, 40, 50% dito?

80
00:06:29,760 --> 00:06:32,320
B, bakit sa tingin mo natandaan natin ito?

81
00:06:32,920 --> 00:06:35,280
Dahil ito ang sinasanay natin araw-araw.

82
00:06:35,360 --> 00:06:38,640
Kaya dahil sinasanay mo ito,
anong ginagawa nito sa utak mo?

83
00:06:38,720 --> 00:06:42,440
Dahil napag-aralan natin lahat ito ngayon

84
00:06:43,560 --> 00:06:47,440
at kung titingnan ito, at naproseso
natin ang impormasyon dahil diyan.

85
00:06:47,800 --> 00:06:50,920
Sa laro, kulang ang
isang segundo para magpasya,

86
00:06:51,000 --> 00:06:54,200
kaya ang mensahe dito ngayon
ay kung gaano kahalaga ang

87
00:06:54,280 --> 00:06:57,640
pag-intindi sa nangyayari sa loob ng pitch

88
00:06:57,720 --> 00:07:01,040
kaya mas simple ang inyong pagpapasya.

89
00:07:01,480 --> 00:07:03,960
Ano man ang gawin natin,
atake man o depensa,

90
00:07:04,040 --> 00:07:08,840
kung alam natin ang hitsura kahit 'di tayo
nag-iisip, nauunawaan natin ang nangyayari

91
00:07:08,920 --> 00:07:11,200
kung gumalaw ang manlalaro,
ang gagawin ng susunod,

92
00:07:11,280 --> 00:07:14,080
paano magtrabaho ang team
at makipag-ugnay sa iba,

93
00:07:14,160 --> 00:07:15,720
ang dahilan kaya natin ginawa.

94
00:07:17,360 --> 00:07:19,680
Habang patungo
sa North London derby ang Arsenal,

95
00:07:19,760 --> 00:07:23,360
nasa ika-13 na silang
lugar sa ilalim ng Tottenham.

96
00:07:33,720 --> 00:07:35,680
Sa harap ang tingin.

97
00:07:37,760 --> 00:07:40,320
Bumubuo ang koponan
ng team para sa hinaharap,

98
00:07:40,400 --> 00:07:43,520
pero kailangan
nilang magpakitang-gilas ngayon.

99
00:07:43,600 --> 00:07:45,000
Cheers.

100
00:07:46,960 --> 00:07:47,960
Ngiti naman diyan.

101
00:07:48,480 --> 00:07:50,880
Ngumiti lang na parang ang saya n'yo.

102
00:07:52,800 --> 00:07:55,360
Nagtitiwala ang manager
sa mga batang manlalaro

103
00:07:55,440 --> 00:07:58,480
dahil alam niya kung gaano
katalentado ang ilan sa kanila.

104
00:08:00,400 --> 00:08:02,200
Isa na dito si Emile Smith Rowe.

105
00:08:07,400 --> 00:08:09,120
Siya ito noong 15-anyos siya.

106
00:08:16,080 --> 00:08:19,920
Pagdating sa malapitang kontrol
sa football, likas na sa kanya ito.

107
00:08:26,800 --> 00:08:28,600
Emile, mas mahusay iyon.

108
00:08:29,320 --> 00:08:32,280
Bigyan ang sarili mo
ng kahit isang pulgada sa linya,

109
00:08:32,360 --> 00:08:36,000
kung nais mong pumunta... sa gilid.
Napakalapit mo.

110
00:08:36,760 --> 00:08:41,039
Para kay Emile Smith Rowe, ang
North London derby napakaespesyal.

111
00:08:43,880 --> 00:08:46,240
Simula bata ako,
suportado ko na ang Arsenal.

112
00:08:47,040 --> 00:08:51,040
Kaya lang Tottenham yung tatay ko,
medyo mahirap sa aming bahay.

113
00:08:56,440 --> 00:09:00,320
Ipinagmamalaki naman niya ako,
pero sa tuwing Tottenham ang kalaban,

114
00:09:00,400 --> 00:09:03,880
laging may bangayan na nagaganap.

115
00:09:05,480 --> 00:09:07,960
Ano ang iyong unang impresyon kay Emile?

116
00:09:08,480 --> 00:09:11,760
Emile, mahiyain,
'di ka niya titingnan sa mata.

117
00:09:12,720 --> 00:09:13,880
Pakiramdam niya...

118
00:09:16,080 --> 00:09:19,360
Masasabi kong
'di siya komportable at 'di sigurado.

119
00:09:20,120 --> 00:09:24,480
Pero makikita mong malaki
ang puso niya at lahat nandoon.

120
00:09:25,400 --> 00:09:27,280
Malinaw ang talento ni Emile.

121
00:09:30,960 --> 00:09:34,160
Pero pina-loan siya sa ibang team
para lumago ang karakter.

122
00:09:35,840 --> 00:09:37,760
Nung pina-loan namin siya, sabi ko,

123
00:09:37,880 --> 00:09:40,440
"Di ko papanuorin ang iyong mga laro,

124
00:09:40,520 --> 00:09:44,320
nais ko lang marinig ang mga
sasabihin ng mga tao habang nandoon ka.

125
00:09:44,760 --> 00:09:48,440
At kung paano ka nila ilarawan,
hindi bilang manlalaro, pero bilang tao.

126
00:09:48,520 --> 00:09:51,520
Bilang manlalaro,
wala akong duda na kayang-kaya mo,

127
00:09:51,640 --> 00:09:55,720
pero kaya mo bang makisama sa mga nasa
loob, at harapin ang pressure sa labas?

128
00:09:55,760 --> 00:09:59,080
Di ko alam, kaya pumunta ka doon
at pwersahin ang sarili mo."

129
00:09:59,160 --> 00:10:00,840
At ginawa nga niya ito.

130
00:10:07,520 --> 00:10:10,840
21-anyos na siya ngayon
at numero diyes na siya ng Arsenal.

131
00:10:13,280 --> 00:10:15,080
Napakalaking bagay nito.

132
00:10:15,760 --> 00:10:19,480
Habang lumalaki ako,
ginusto ko ng isuot ang numero diyes.

133
00:10:21,760 --> 00:10:23,640
Tapos na ang suspensyon, pre.

134
00:10:24,000 --> 00:10:25,840
Tapos na ang suspension ko, pre.

135
00:10:26,600 --> 00:10:27,880
Balik ka na?

136
00:10:31,200 --> 00:10:32,760
Ikaw ang pag-asa pare.

137
00:10:32,880 --> 00:10:33,760
Hindi ako.

138
00:10:33,840 --> 00:10:36,520
Sinabi ko sa'yo noon pa man.
Ikaw ang pag-asa dito.

139
00:10:36,640 --> 00:10:38,760
Di tungkol sa hinaharap,
tungkol sa ngayon.

140
00:10:39,200 --> 00:10:42,640
Isipin mong magiging numero diyes ka,
at kapitan sa hinaharap.

141
00:10:47,080 --> 00:10:48,840
Humabol mula sa kaliwa pakanan.

142
00:10:49,520 --> 00:10:52,520
Ang isa pang binabantayan ng Arsenal
na pinagkakatiwalaan ni Mikel

143
00:10:52,600 --> 00:10:54,760
ay ang 20-anyos na si Bukayo Saka.

144
00:10:55,320 --> 00:10:58,000
Lumipat ang magulang niya
sa London mula sa Nigeria.

145
00:11:02,680 --> 00:11:06,840
Pumasok si Bukayo
sa akademya sa edad na walo.

146
00:11:12,480 --> 00:11:16,520
Agad naging malinaw na siya
ay may taglay na kakaibang galing.

147
00:11:19,920 --> 00:11:22,880
Maaaring isa sa isang-daan
o parang ganoon,

148
00:11:22,960 --> 00:11:26,520
sa mga bata ang nakatapos sa akademya
at mapabilang sa unang team.

149
00:11:29,440 --> 00:11:32,480
Noong una akong pumasok
sa silid ng unang team,

150
00:11:32,560 --> 00:11:34,880
doon ko naisip na,

151
00:11:34,960 --> 00:11:39,680
"Andito na ako, ito ang buhay
bilang manlalaro ng unang team."

152
00:11:42,280 --> 00:11:46,120
Nahuli ni Bukayo ang kiliti ng buong bansa
nung maglaro siya para sa England.

153
00:11:47,000 --> 00:11:51,840
Pero ngayon, tinatanong siya kung ba't 'di
siya nakakapuntos sa liga sa 19 na laro.

154
00:11:53,000 --> 00:11:54,280
Mikel, paano si B?

155
00:11:54,360 --> 00:11:55,200
B?

156
00:11:55,280 --> 00:11:56,320
Oo, ayos lang ba siya?

157
00:11:56,400 --> 00:11:57,920
Sa tingin ko kumpiyansa.

158
00:11:58,000 --> 00:12:01,080
Tingin ko, sa pisikal na aspeto,
nasiguro naming ayos na siya,

159
00:12:01,160 --> 00:12:02,560
isa siya sa mga mahuhusay.

160
00:12:05,560 --> 00:12:07,960
Mula sa pinanggalingan mo,
saan mo gustong mapunta?

161
00:12:08,040 --> 00:12:09,520
Isa lang ang daan.

162
00:12:10,520 --> 00:12:13,240
Sa England, pasensiya na,
mas mga espesyalista sila,

163
00:12:13,320 --> 00:12:17,560
sa pagdala ng tao dito, tapos mararamdaman
ang kawalang kumpiyansa sa sarili.

164
00:12:23,400 --> 00:12:28,280
Ang trabaho namin, mula sa koponan,
ay hangga't maaari, protektahan sila.

165
00:12:28,360 --> 00:12:31,760
Kasabay nito, tuturuan sila,
dahil may responsibilidad sila.

166
00:12:31,840 --> 00:12:35,520
At patuloy silang lumago bilang tao

167
00:12:35,600 --> 00:12:39,240
at bilang propesyonal, sa loob
ng kapaligiran na meron kami sa koponan.

168
00:12:43,400 --> 00:12:46,480
-Gym?
-Gym. Ibabang katawan.

169
00:12:50,240 --> 00:12:53,240
Ang bawat nakaraang
laro ni Emile ay pinag-aralan

170
00:12:53,320 --> 00:12:54,880
at regular siyang may feedback.

171
00:12:54,960 --> 00:12:56,200
#9 EMILE DEF - EMILE - IPANALO MO 'TO

172
00:12:56,280 --> 00:12:57,600
Anong nangyayari dito?

173
00:12:57,680 --> 00:12:59,480
-Sinubukan kong kunin ang bola.
-Okey.

174
00:12:59,560 --> 00:13:01,160
Nilagay niya ang isang paa niya doon.

175
00:13:01,240 --> 00:13:02,800
-Nahulog ako.
-Mas malakas.

176
00:13:03,560 --> 00:13:04,600
Di kita marinig.

177
00:13:04,680 --> 00:13:06,360
-Kinukuha ko yung bola.
-Tapos?

178
00:13:06,440 --> 00:13:09,080
-At tinulak lang niya ako.
-Oo.

179
00:13:09,160 --> 00:13:11,240
-Pero yan yung mga laban.
-Oo.

180
00:13:11,320 --> 00:13:14,800
Para sa akin ito, kailangan mong
ipanalo ang mga ito, pwede?

181
00:13:14,880 --> 00:13:18,320
Bahagi ito ng ating pagsasanay,
kung dumidepensa ka...

182
00:13:18,400 --> 00:13:22,520
Kung may sitwasyon tayo, maliit na laro,
isa sa isa, lahat ng sandaling iyon,

183
00:13:22,600 --> 00:13:26,920
pati sa sariling trabaho, kailangan
mong ipanalo ang mga ito, Emile.

184
00:13:27,000 --> 00:13:30,920
Lalo pa dahil mas mabilis ka, tama?

185
00:13:31,000 --> 00:13:34,440
Tungkol ito sa paggamit ng katawan mo
at pagiging mas matapang,

186
00:13:34,520 --> 00:13:36,840
para malaro ang bola sa likuran,
para makatakbo,

187
00:13:36,920 --> 00:13:40,280
para may magawa ka
dahil ikaw ay madiskarteng manlalaro.

188
00:13:42,440 --> 00:13:46,080
Gusto kong makita ka sa mga
ganoong sitwasyon, pwede?

189
00:13:51,360 --> 00:13:54,480
24 ORAS BAGO MAG-SIMULA

190
00:13:58,280 --> 00:14:02,000
Tingin ng mga tao
dahil naabot mo ang pangarap mo

191
00:14:02,080 --> 00:14:06,840
madali ang buhay mo, pero marami kang
hinaharap na problema na wala sa iba.

192
00:14:06,920 --> 00:14:09,240
Ang tanging kailangan mo ay maglaro,

193
00:14:09,320 --> 00:14:13,120
magsaya, pakiramdaman ang sarili mo.
Napakarami mong pag-aari.

194
00:14:14,120 --> 00:14:16,160
'Di ko alam. Siguro mali ako.

195
00:14:17,440 --> 00:14:18,280
Sang-ayon ka ba?

196
00:14:18,360 --> 00:14:19,480
Oo, sang-ayon ako.

197
00:14:19,560 --> 00:14:22,840
Dahil nung naglalaro ako ng maigi,
napakakalmado ko.

198
00:14:22,920 --> 00:14:28,280
May tiwala ako, di ako nag-iisip masyado,
naglalaro lang at nagsasaya.

199
00:14:29,840 --> 00:14:32,640
May kwento ang bawat isa...

200
00:14:33,640 --> 00:14:36,400
...at maraming beses,
tayo o ang komunidad ay nagiging

201
00:14:36,480 --> 00:14:41,360
kritiko at huwes ng di natin kinikilala na
ginagawa ng taong ito ang makakaya niya.

202
00:14:42,800 --> 00:14:44,360
At saan mo gustong mapunta?

203
00:14:44,440 --> 00:14:47,480
Ngayon, sa araw bago ang derby.

204
00:14:48,600 --> 00:14:51,120
Ano sa palagay mo
ang kailangan mo para manalo?

205
00:14:51,200 --> 00:14:52,440
Palagay ko, kaya natin.

206
00:14:52,520 --> 00:14:55,720
Kung saan tayo papunta,
malinaw na pangit ang simula natin.

207
00:14:55,800 --> 00:14:57,320
Sinabi na ito ng lahat,

208
00:14:57,400 --> 00:15:00,440
pero ang buong season
ay di lang tatlong laro.

209
00:15:00,520 --> 00:15:01,480
Mahaba ito.

210
00:15:01,560 --> 00:15:04,240
Yun din ang naiisip ko,
kaya sabi ko, ayos lang.

211
00:15:04,320 --> 00:15:07,080
Maipapanalo natin
ang mga laro na dapat nating ipanalo,

212
00:15:07,160 --> 00:15:11,200
ngayon, pakiramdam ko mas maganda
ang samahan ng pangkat, ang kumpiyansa,

213
00:15:11,280 --> 00:15:15,320
at kung mananalo tayo bukas,
patuloy na ang pag-angat natin.

214
00:15:15,400 --> 00:15:17,480
-Nasabi mo na.
-Tingnan natin.

215
00:15:23,880 --> 00:15:25,480
Kalaban natin ang Tottenham sa Linggo.

216
00:15:25,560 --> 00:15:30,120
At hangga't gusto niyong manalo,
tipong ayaw niyong magpatalo.

217
00:15:31,000 --> 00:15:31,920
ARSENAL BARBERS LISTAHAN NG PRESYO

218
00:15:32,000 --> 00:15:36,080
Ito lang ang sandali sa buhay ko na nasa
parehong lebel ang Arsenal at Tottenham.

219
00:15:36,160 --> 00:15:37,280
Karapatang magmalaki ito.

220
00:15:37,360 --> 00:15:40,080
Kung mananalo kayo, mahusay,
pero kung matatalo kayo...

221
00:15:40,160 --> 00:15:42,240
Kung matalo, masama ito.

222
00:15:42,720 --> 00:15:45,560
Kung may napakahalagang laro tayo,

223
00:15:45,640 --> 00:15:48,880
nasa mga manlalaro ang tensyon,
nakakatakot ito.

224
00:15:49,120 --> 00:15:52,680
Ang North London derby
ang pinakamalaking laro sa palarong ito.

225
00:15:55,280 --> 00:15:58,080
Isipin mong makapuntos
ka sa North London derby, p're.

226
00:15:59,520 --> 00:16:01,200
Pinakamahusay na karanasan.

227
00:16:02,440 --> 00:16:05,360
Malaking linggo, 'di ba,
dahil sa North London derby?

228
00:16:05,440 --> 00:16:07,960
Mismo. Ngayon kailangan naming magkaisa

229
00:16:08,040 --> 00:16:10,280
at alam naming kailangan namin ng resulta.

230
00:16:10,360 --> 00:16:14,000
Anong pakiramdam
ng maglaro sa North London derby dito?

231
00:16:19,440 --> 00:16:21,920
Laging matindi ang mga laro
sa North London derby.

232
00:16:24,880 --> 00:16:26,320
Madalas maangas.

233
00:16:30,680 --> 00:16:33,720
At minsan, may sandali
ng mga magagaling na desisyon..

234
00:16:39,560 --> 00:16:40,880
Thierry Henry...

235
00:16:42,440 --> 00:16:45,160
Patuloy pa din siya! Thierry Henry!

236
00:16:46,080 --> 00:16:50,280
Oh, napakagaling! Sadyang magaling siya!

237
00:16:50,360 --> 00:16:54,200
Bida si Thierry Henry
sa laro sa North London.

238
00:17:06,520 --> 00:17:09,160
Isa sa mga isyu sa pangkat ng Arsenal

239
00:17:09,240 --> 00:17:12,000
ang kinukumpara sa mga magagaling
na manlalaro sa nakaraan.

240
00:17:15,040 --> 00:17:18,440
Di ito patas.
Di patas na paghambingin ang panahon...

241
00:17:18,800 --> 00:17:22,400
...at di patas na asahang
pareho ang laro ng mga tao

242
00:17:22,480 --> 00:17:25,720
sa tingin ko tuluy-tuloy
ang pag-unlad ng Arsenal,

243
00:17:25,800 --> 00:17:28,560
pero habang patungo ka doon,
wag mong iwala ang bumuo sa'yo.

244
00:17:30,080 --> 00:17:32,880
Pinag-uusapan ng tao
ang muling pagbuo sa DNA ng Arsenal.

245
00:17:32,960 --> 00:17:35,760
Ang DNA ng Arsenal ay para manalo,
o maglaro para manalo.

246
00:17:36,640 --> 00:17:39,080
Kaugalian at kaisipan ang sinasabi ko

247
00:17:39,160 --> 00:17:43,880
at kung paano ka maglakad, tumakbo,
at huminga at mag-isip at matulog

248
00:17:43,960 --> 00:17:46,280
at kumain bilang
kasama sa apat na nangunguna.

249
00:17:48,080 --> 00:17:51,560
Gayundin na kinakatawan
ng Arsenal, para sa akin,

250
00:17:51,640 --> 00:17:54,560
di lang ang aming
mga panalo bilang isang pangkat,

251
00:17:54,640 --> 00:17:56,760
ang mga bagay
na nagagawa nito sa komunidad.

252
00:17:57,880 --> 00:18:01,040
Lagi itong koponan ng mga tao, ng kalsada.

253
00:18:01,080 --> 00:18:06,240
Alam mo, Arsenal ang unang koponan
na nagkaroon ng itim na manlalaro,

254
00:18:06,320 --> 00:18:10,920
kaya kinatawan nito ang masa,
ang masa sa UK at kung paano ang London.

255
00:18:12,160 --> 00:18:16,280
Sana alam ito ng mga tao sa koponan
at kung para kanino sila naglalaro.

256
00:18:16,560 --> 00:18:21,400
Pero kung kanino ako nakikiramdam
at nakikiisa sa team na ito

257
00:18:21,480 --> 00:18:23,880
ay kay Bukayo Saka at Smith Rowe,

258
00:18:23,960 --> 00:18:28,640
dahil kita ko sa noo nila na nakasulat,
Arsenal Football Club.

259
00:18:31,560 --> 00:18:32,800
Nakita mo ba iyon?

260
00:18:32,920 --> 00:18:34,800
Kita ko ang laro at lakad nila,

261
00:18:34,920 --> 00:18:36,720
kita ko ang takbo at laban nila.

262
00:18:36,800 --> 00:18:40,280
Kung may na-miss sila kahit
nakapuntos sila, 'di sila nakapuntos,

263
00:18:40,320 --> 00:18:42,240
kita kong nakasulat ito.

264
00:18:42,800 --> 00:18:45,080
Ito ay Arsenal Football Club.

265
00:18:47,560 --> 00:18:52,000
ARSENAL V TOTTENHAM HOT SPUR
EMIRATES STADIUM - 26 SETYEMBRE 2021

266
00:18:52,680 --> 00:18:58,680
90 MINUTO BAGO ANG SIMULA

267
00:19:16,280 --> 00:19:19,280
Pinili ng mga manlalaro
ang tugtog sa silid.

268
00:19:43,920 --> 00:19:47,720
Madalas, magsasalita
si Mikel isang oras bago ang laro.

269
00:19:48,880 --> 00:19:51,240
At muli bago ang simula.

270
00:20:08,560 --> 00:20:10,760
-Nandito na lahat?
-Andito na lahat, oo.

271
00:20:21,920 --> 00:20:24,440
Handang-handa kayo, kumbinsido ako.

272
00:20:24,520 --> 00:20:27,760
Nakikita ko ito, ramdam ko.
Nakita ko sa pagsasanay,

273
00:20:27,800 --> 00:20:30,080
nakita ko kung paano kayo, sa mukha niyo.

274
00:20:30,800 --> 00:20:34,280
Isang bagay ang nais kong sabihin ngayon,
kung paano ko ito nakita.

275
00:20:34,320 --> 00:20:37,320
Handa kayo sa pisikal,
handa kayo sa taktika,

276
00:20:37,440 --> 00:20:41,560
handa kayo sa teknikal na aspeto,
lubos kayong nagkakaunawaan.

277
00:20:41,680 --> 00:20:45,640
Ipapaliwanag ko ang
isang mahalagang bagay sa laro ngayon.

278
00:20:49,680 --> 00:20:52,320
Kailangan niyong maglaro
nang may tapang at sigasig.

279
00:20:57,960 --> 00:21:01,800
Kasabay nito, kailangan din
ng malawak na pag-iisip.

280
00:21:01,920 --> 00:21:03,800
Kailangan magtulungan ng dalawang ito.

281
00:21:05,440 --> 00:21:07,040
Ito ang inyong pasyon,

282
00:21:07,960 --> 00:21:11,320
gaano karami ang
ibibigay niyo sa laro mula sa inyong puso,

283
00:21:11,400 --> 00:21:15,440
gaano katindi ang pasyo
at ibigay ang iyong sarili sa laro.

284
00:21:15,520 --> 00:21:17,800
Gusto nila kayong pukawin sa laro,

285
00:21:17,920 --> 00:21:22,400
Højbjerg, Harry Kane, Dele Alli, Dier,
laging kayo ang may kontrol.

286
00:21:22,480 --> 00:21:26,520
Kung kailangan niyong magpasya, kailangan
niyong gamitin lahat sa inyong laro,

287
00:21:26,560 --> 00:21:30,040
di kayo pwedeng maglaro ng 100,000
milya sa isang oras, sa buong laro.

288
00:21:30,400 --> 00:21:32,040
Kung gagawin natin ang dalawang ito,

289
00:21:32,080 --> 00:21:35,920
magmumula dito ang pinakamalakas
na bagay sa larong ito, ito yun.

290
00:21:38,480 --> 00:21:42,200
Ang mga tao dito ngayon, pag nakita
nila ang dalawang ito na nagtutulungan...

291
00:21:42,280 --> 00:21:43,200
PASYON - KALIWANAG

292
00:21:43,280 --> 00:21:46,560
...susuportahan nila kayo
at ibibigay nila sa inyo ito.

293
00:21:46,680 --> 00:21:47,560
ENERHIYA

294
00:21:47,640 --> 00:21:49,920
Sinasabi ko dahil naranasan ko ito.

295
00:21:50,000 --> 00:21:53,000
Sa sandaling napag-ugnay niyo
ang tatlong ito sa laro ngayon,

296
00:21:53,080 --> 00:21:56,280
makakaramdam kayo
ng tatag ng loob sa field,

297
00:21:56,360 --> 00:22:00,200
na di niyo mapipigilan, di kayo matatalo,
walang makakaabot sa inyo.

298
00:22:00,280 --> 00:22:03,520
Ito ang laro ngayon,
at ang iba pa, alam niyo na. Okey?

299
00:22:03,600 --> 00:22:04,560
Tara.

300
00:22:15,120 --> 00:22:17,680
Nasa unahan ng liga ang Tottenham
sa mga nakaraang linggo,

301
00:22:17,760 --> 00:22:21,720
pero matapos ang magkasunod na talo, nasa
punto na silang kailangan nila ng patunay.

302
00:22:48,840 --> 00:22:51,120
Ibibigay ko sa'yo ang balita
sa buong pangkat Gigi.

303
00:22:51,200 --> 00:22:54,200
Nakabalik si Xhaka matapos
ang suspensyon at ito lang ang bago.

304
00:22:54,560 --> 00:22:58,720
Eto ang kanilang linya, si Ramsdale
sa goal, Tomiyasu, Gabriel, White,

305
00:22:58,800 --> 00:23:00,440
at Tierney sa depensa.

306
00:23:00,520 --> 00:23:03,320
Si Xhaka at Partey sa gitna,

307
00:23:03,400 --> 00:23:07,480
si Smith Rowe, Ødegaard,
at Saka sa likod ni Aubameyang.

308
00:23:07,800 --> 00:23:10,840
Sa Tottenham Hotspur,
may tatlong pagbabago sa kanila...

309
00:24:06,160 --> 00:24:11,200
30 MINUTO BAGO ANG SIMULA

310
00:24:48,280 --> 00:24:50,520
Hali na kayo. Magsimula na tayo.

311
00:25:10,080 --> 00:25:12,560
Mahal namin ang Arsenal, mahal namin kayo

312
00:25:12,640 --> 00:25:15,000
Mahal namin ang Arsenal, mahal namin kayo

313
00:25:15,080 --> 00:25:17,040
Mahal namin ang Arsenal, mahal namin kayo

314
00:25:17,120 --> 00:25:19,360
Oh Arsenal, mahal namin kayo!

315
00:25:19,440 --> 00:25:21,800
Mahal namin ang Arsenal, mahal namin kayo

316
00:25:25,480 --> 00:25:30,360
10 MINUTO BAGO MAGSIMULA

317
00:25:37,080 --> 00:25:38,320
Nakapasok na ba lahat?

318
00:25:39,880 --> 00:25:41,280
Halika dito Stuart.

319
00:25:44,600 --> 00:25:49,440
Ang taong ito, sa huling 30 taon,
nakuha niya ang mga emosyon.

320
00:25:49,520 --> 00:25:52,400
Tao, emosyon, at pangkat.

321
00:25:54,920 --> 00:25:58,000
Nais kong marinig niyo sa kanya
ang nararamdaman niya sa inyo

322
00:25:58,080 --> 00:26:01,280
dahil nakikita niya kayo araw-araw,
gayundin ang ating koponan.

323
00:26:03,080 --> 00:26:04,360
Mahirap ito.

324
00:26:06,040 --> 00:26:09,640
koponan ko ito. Mahal ko
itong koponan ng football na ito.

325
00:26:09,720 --> 00:26:11,520
At mahal ko din kayong lahat.

326
00:26:11,960 --> 00:26:15,280
Sa 30 taon, nakuhanan ko ng larawan
ang ilang magigiting na manlalaro,

327
00:26:15,880 --> 00:26:18,600
mga pang-daigdig na manlalaro,
mga mahuhusay na pangkat.

328
00:26:19,160 --> 00:26:21,720
At lagi ko kayong nakikita,
at mahusay ang team na ito.

329
00:26:22,120 --> 00:26:25,160
Mahusay ito.
Tagahanga ako sa buong buhay ko.

330
00:26:25,720 --> 00:26:28,000
Ito ang dapat nating gawin,
lumabas doon at manalo.

331
00:26:28,080 --> 00:26:30,760
Ako ito, tagahanga.
At yung mga kagaya ko sa labas,

332
00:26:31,320 --> 00:26:33,880
gagawin nila lahat para manalo ngayon.

333
00:26:34,320 --> 00:26:37,440
Tingnan niyo sila. Lumabas muna kayo,
ang unang gawin niyo,

334
00:26:37,520 --> 00:26:41,200
pakinggan niyo sila,
didiretso sila sa inyo.

335
00:26:41,560 --> 00:26:45,200
Ipanalo niyo lahat. Pag nakapuntos kayo,
tingnan niyo ang mukha nila,

336
00:26:45,280 --> 00:26:48,000
tingnan niyo ang emosyon,
kung gaano nila kayo kamahal.

337
00:26:48,080 --> 00:26:51,320
At ipakita niyo sa kanila
kung gaano niyo sila kamahal.

338
00:27:11,600 --> 00:27:12,840
Tara na!

339
00:27:38,800 --> 00:27:40,880
Napakagandang hamon kay Ben White.

340
00:27:41,560 --> 00:27:44,480
At ganong pagsubok ang magsasabi sa tono.

341
00:27:45,000 --> 00:27:47,680
Mas matalas ang Arsenal sa dalawang panig.

342
00:27:47,760 --> 00:27:50,760
Narito si Ødegaard papunta sa harap,
nasa unahan niya si Aubameyang,

343
00:27:50,840 --> 00:27:53,480
nakita niya si Saka,
sa kanang dulo ng penalty.

344
00:27:53,560 --> 00:27:56,440
Nilaro ito ni Saka pabalik,
parating si Smith Rowe!

345
00:27:56,520 --> 00:27:58,840
ARSENAL 1 - 0 TOTTENHAM
SMITH HILERA 12'

346
00:27:58,920 --> 00:28:01,600
At pinanguna ni Smith Rowe ang Arsenal!

347
00:28:02,160 --> 00:28:03,800
Mahusay na laro ng Arsenal.

348
00:28:05,800 --> 00:28:07,400
One-zero para sa Arsenal.

349
00:28:07,480 --> 00:28:11,200
One-zero para sa Arsenal
ang sigaw sa loob ng Emirates.

350
00:28:11,280 --> 00:28:16,680
One-zero para sa Arsenal.
One-zero para sa Arsenal.

351
00:28:16,760 --> 00:28:20,840
Ang husay ng ugnayan
ni Smith Rowe at Saka.

352
00:28:20,920 --> 00:28:24,960
Smith Rowe, ang goal scorer,
pursigidong pumunta sa penalty.

353
00:28:25,040 --> 00:28:26,720
Binalik ni Rowe kay Aubameyang!

354
00:28:27,400 --> 00:28:29,520
Nakuha ng Arsenal ang pangalawang puntos.

355
00:28:29,600 --> 00:28:31,080
Aubameyang!

356
00:28:42,000 --> 00:28:44,720
Pinasa ni Xhaka ang bola kay Ødegaard,

357
00:28:44,800 --> 00:28:47,120
kay Smith Rowe at papunta kay Saka

358
00:28:47,200 --> 00:28:49,760
at di niya magamit
ang puwang na naiwan ni Reguilón.

359
00:28:49,840 --> 00:28:52,400
Paharap na si Saka, tatlo laban sa dalawa,

360
00:28:52,480 --> 00:28:55,280
sinubukan ni Sakang ipasa
ang bola pabalik, mag-isa niya.

361
00:28:55,360 --> 00:28:58,160
Bumalik kay Saka at nakapuntos siya.

362
00:29:06,000 --> 00:29:08,440
At paalis na ang Arsenal dito.

363
00:29:08,520 --> 00:29:12,000
Nakuha ni Saka ang kanyang unang puntos
sa liga sa loob ng 20 na laro.

364
00:29:23,040 --> 00:29:27,720
KALAHATING ORAS ARSENAL 3 - 0 TOTTENHAM

365
00:29:33,720 --> 00:29:35,400
Magaling. Tara ulit!

366
00:29:35,480 --> 00:29:37,680
Ipagpatuloy niyo lang. Tuloy lang.

367
00:29:38,480 --> 00:29:40,880
Tara na. Simula na ulit.

368
00:29:45,320 --> 00:29:48,760
Ang una kong mensahe,
kailangan atin ang buong second-half

369
00:29:48,840 --> 00:29:50,760
at kailangan nating
iangat ang lebel nito.

370
00:29:50,840 --> 00:29:52,960
Naroon tayo upang pumuntos,
ilampaso niyo sila.

371
00:29:53,040 --> 00:29:55,760
Kung ganito ang laro,
tumira lang kayo, ipanalo niyo.

372
00:29:55,840 --> 00:29:58,560
Ito ang mensahe na nais kong
sabihin noong una pa lang.

373
00:29:58,640 --> 00:30:02,080
Kung kaya natin,
hangga't maari, sa tamang sandali

374
00:30:02,160 --> 00:30:04,800
kasabay ng sidhi at ritmo
na pinapakita n'yong lahat,

375
00:30:04,880 --> 00:30:08,960
para pumunta at makabalik, at para
kontrolin ang bola gaya ng ginawa niyo,

376
00:30:09,040 --> 00:30:11,920
kailangan nating magpatuloy,
dahil kukuha sila ng tsansa,

377
00:30:12,000 --> 00:30:13,880
itutulak nila ang mga manlalaro nila.

378
00:30:13,960 --> 00:30:16,800
Magaling ang pagpasok ni B,
naipanalo mo ang mga bola.

379
00:30:16,880 --> 00:30:19,960
Susi ito para magawa ito,
kailangang panatilihin ang ritmo.

380
00:30:25,160 --> 00:30:28,640
Kontrolado ni Saka ang bola,
sinusubukang lumayo kay Skipp.

381
00:30:28,720 --> 00:30:31,560
Smith Rowe, nandun din si Saka.

382
00:30:31,640 --> 00:30:34,120
Smith Rowe sa likod, papunta kay Ødegaard,

383
00:30:34,200 --> 00:30:37,160
nagbabanta na naman ang Arsenal,
patungo kay Aubameyang.

384
00:30:41,280 --> 00:30:43,760
Ang bola sa harap, narito si Harry Kane,

385
00:30:43,840 --> 00:30:48,080
Harry Kane, goal, pero di pasok.
Nakababa pa din ang bandera.

386
00:30:51,240 --> 00:30:53,560
Nilusot, pinasa ang bola kay Reguilón,

387
00:30:53,640 --> 00:30:56,040
nasa ibaba ang bola, at nakapuntos si Son.

388
00:31:08,120 --> 00:31:11,680
Tumama sa poste, naligtas ni Ramsdale.

389
00:31:13,280 --> 00:31:16,480
Halos nandun na.
Ayan na, ang huling nandun.

390
00:31:16,560 --> 00:31:19,960
Halos andun na. Ayan na, ang huling sipol.

391
00:31:20,040 --> 00:31:24,680
Karapat-dapat ang Arsenal sa panalong ito,
napakahusay nila sa first half.

392
00:31:31,760 --> 00:31:34,720
Emile, lagpas 50
na laro sa iyong karera sa Arsenal.

393
00:31:34,800 --> 00:31:36,640
May mga magaganda kang mga araw.

394
00:31:36,720 --> 00:31:38,120
Ito na ba ang pinakamahusay?

395
00:31:38,200 --> 00:31:41,720
100%, alam mo yun, siguro ito na
ang pinakamahusay sa buong buhay ko,

396
00:31:41,800 --> 00:31:44,640
manalong muli sa isang
North London derby dito

397
00:31:44,720 --> 00:31:49,040
at makapuntos sa harap ng pamilya ko doon,
napakagandang pakiramdam.

398
00:31:49,120 --> 00:31:50,880
Anong kulay ang North London?

399
00:31:50,960 --> 00:31:55,160
-Pula. Tara.
-Tara, Gangster. Tara na.

400
00:31:55,240 --> 00:31:56,960
Pula, pula ito!

401
00:31:58,720 --> 00:32:00,760
Iyon na ang pinakamagandang nangyari.

402
00:32:00,840 --> 00:32:02,640
Dumausdos sa tuhod, magtiwala ka.

403
00:32:02,720 --> 00:32:06,400
Kung gusto mong dumausdos sa tuhod,
ang larong ito, para sa halaga ng pera to.

404
00:32:06,480 --> 00:32:11,280
Ang mga araw na ganito ang dahilan kaya
nakakatuwang suportahan ang koponan ito.

405
00:32:14,120 --> 00:32:14,960
Tara na!

406
00:32:15,040 --> 00:32:17,960
Tara!

407
00:32:22,600 --> 00:32:26,360
Narito kami
Narito kami at heto na

408
00:32:26,440 --> 00:32:29,320
Sakay na lahat
Maglalakbay na tayo

409
00:32:29,400 --> 00:32:31,560
Heto na

410
00:32:31,640 --> 00:32:34,320
Si Saka at Emile Smith Rowe

411
00:32:35,360 --> 00:32:37,080
Lahat sila!

412
00:32:37,160 --> 00:32:40,600
Narito kami
Narito kami at heto na

413
00:32:40,680 --> 00:32:43,920
Sakay na lahat
Maglalakbay na tayo

414
00:32:44,000 --> 00:32:46,040
Heto na

415
00:32:46,360 --> 00:32:48,840
Saka at Emile Smith Rowe

416
00:32:57,360 --> 00:32:59,480
Laban Arsenal!

417
00:33:05,200 --> 00:33:09,200
Para sa inyo ito. Pumirma lahat dito,
at ito ay para sa iyo.

418
00:33:45,320 --> 00:33:47,960
Pula ang North London ngayong gabi.

419
00:33:48,440 --> 00:33:52,040
Nanalo ang Arsenal
sa ika-240 na North London derby.

420
00:33:52,440 --> 00:33:55,600
Ang uri ng panalo
na simula ng isang season.

421
00:33:56,600 --> 00:33:58,520
At sa pagpapatuloy ng season,

422
00:33:58,600 --> 00:34:02,600
malinaw na nagsisimula ang Arsenal
na makipag-ugnayan sa kanilang tagahanga.

423
00:34:02,680 --> 00:34:06,320
One, two, three, four
Gusto ko ito

424
00:34:06,400 --> 00:34:07,560
Gusto ko ito

425
00:34:09,960 --> 00:34:11,719
Heto na

426
00:34:11,800 --> 00:34:14,880
Saka at Emile Smith Rowe

427
00:34:14,960 --> 00:34:16,440
One, two, three, four

428
00:34:16,520 --> 00:34:19,960
Gusto ko ito,
Gusto ko ito

429
00:34:22,360 --> 00:34:24,080
Heto na

430
00:34:24,159 --> 00:34:26,880
Saka at Emile Smith Rowe

431
00:34:27,880 --> 00:34:28,800
SA SUSUNOD...

432
00:34:28,880 --> 00:34:31,600
Palagay ko pupunta tayo
sa Anfield at tatalunin natin sila.

433
00:34:31,639 --> 00:34:34,280
May konting ingay
ang nagaganap sa touchline

434
00:34:34,360 --> 00:34:37,840
at nagkaharap si Arteta at Klopp
mukhang nagkakaasaran.

435
00:34:39,639 --> 00:34:43,400
At pumunta si Diogo Jota kay
Ramsdale at nakapuntos para sa Liverpool.

436
00:34:43,480 --> 00:34:45,159
Nakakahiya.

437
00:34:47,000 --> 00:34:50,639
Maaari kong ibahin ang mga bagay,
wag niyong isipin na pare-pareho lagi,

438
00:34:51,760 --> 00:34:55,040
-Bangko si Aubameyang.
-Dapat lang din, sa tingin ko.

439
00:34:55,120 --> 00:34:58,920
Natamaan ang poste mula dito kanina.
Natamaan ang likod ng net dito!

440
00:35:54,880 --> 00:35:57,560
ESPESYAL NA PASASALAMAT SA MGA MANLALARO,
COACHES AT MGA KAWANI NG ARSENAL

441
00:35:58,880 --> 00:36:00,880
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
Yurie

442
00:36:00,960 --> 00:36:02,960
Mapanlikhang Superbisor: Maribeth Pierce

