1
00:00:07,040 --> 00:00:09,520
Malaki ang nakataya
sa huling run-in na 'to.

2
00:00:09,600 --> 00:00:11,840
Boss, lumakad ka ng apat na hakbang.

3
00:00:11,920 --> 00:00:13,400
-Ganiyan?
-Tama.

4
00:00:13,480 --> 00:00:17,320
Itinalaga si Mikel Arteta bilang Premier
League Manager of the Month sa Marso.

5
00:00:17,360 --> 00:00:19,480
-Salamat.
-Salamat nang marami sa inyo.

6
00:00:19,560 --> 00:00:22,080
Nasa ilalim man sila
noong gitnang Setyembre,

7
00:00:22,160 --> 00:00:24,840
natalo sa unang tatlong laban,
tingnan n'yo saan na sila.

8
00:00:24,920 --> 00:00:28,400
May nagsasabing si Arteta
dapat ang Manager of the Season.

9
00:00:29,000 --> 00:00:33,000
Ang maging manager ng buwan,
ano ang karangalan nito para sa'yo?

10
00:00:33,080 --> 00:00:37,440
Napaparangalan ako dahil alam ko
kung gaano kahirap ito gawin sa liga.

11
00:00:37,560 --> 00:00:42,920
Pero lalo na sa'ming mga tagasuporta dahil
sa ginawa nilang pagbabago sa koponan,

12
00:00:43,000 --> 00:00:44,560
karapatdapat silang kilalanin.

13
00:00:44,640 --> 00:00:46,800
Mag-ingat ka sa sumpa niyan, Mikel.

14
00:00:47,520 --> 00:00:48,640
Ano?

15
00:00:48,720 --> 00:00:50,760
Ang sumpa ng Manager of the Month.

16
00:00:50,840 --> 00:00:52,160
Ano ang sumpa?

17
00:00:52,240 --> 00:00:54,880
-Talo ka sa susunod na laro, isang sumpa.
-Sige.

18
00:00:55,400 --> 00:00:57,600
-Sige, salamat.
-Salamat sa inyo.

19
00:01:09,120 --> 00:01:12,400
Gusto mo ang ginagawa mo.
Ang tawag doon ay pag-ibig.

20
00:01:13,400 --> 00:01:16,480
Kailangan nating maniwala.
Kailangan natin ng lakas.

21
00:01:17,400 --> 00:01:19,920
Sabihin mo sa mga taong 'to
ang pagpapahalaga mo.

22
00:01:20,000 --> 00:01:20,920
Gawin natin 'yan.

23
00:01:21,720 --> 00:01:24,040
LAHAT O WALA: ARSENAL

24
00:01:24,120 --> 00:01:26,760
ISINALAYSAY NI DANIEL KALUUYA

25
00:01:39,880 --> 00:01:40,960
Goal-scorer!

26
00:01:41,760 --> 00:01:44,480
-Kumusta ka? Ano? Mabuti?
-Mabuting-mabuti.

27
00:01:44,560 --> 00:01:47,520
Labindalawang manlalaro
ng Arsenal ang nasa ibang bansa

28
00:01:47,600 --> 00:01:49,840
para kumatawan sa kani-kanilang bansa.

29
00:01:49,920 --> 00:01:52,040
May numero ka ba ni Nicola Sturgeon?

30
00:01:52,120 --> 00:01:54,520
Wala. Mayroon ba siyang
numero ng presidente?

31
00:01:54,600 --> 00:01:56,360
Oo. Pwede mo siyang tawagan sa…

32
00:01:56,440 --> 00:01:59,240
-Rob? Mayroon ka ng kay Boris Johnson?
-Wala.

33
00:01:59,320 --> 00:02:02,600
Nagbalik sila mula sa mga
lugar gaya ng Ghana, at Brazil.

34
00:02:03,560 --> 00:02:07,280
Ngayon narito sila sa London Colney
para sa huling sampung laro ng season.

35
00:02:07,360 --> 00:02:09,120
-Ayos ka lang, pare?
-Kumusta ka?

36
00:02:09,160 --> 00:02:10,800
-Mabuti.
-Kumusta ang binti?

37
00:02:11,600 --> 00:02:12,480
Mas maayos na.

38
00:02:12,560 --> 00:02:14,720
Parang bago. Nakapagpahinga na siya.

39
00:02:14,800 --> 00:02:16,280
Ingat ka sa Palace sa Lunes.

40
00:02:20,080 --> 00:02:21,560
Masaya akong nagbalik kayo.

41
00:02:21,600 --> 00:02:25,680
Sa pangkalahatan, naging maganda
ang ilan n'yong mga paglalaro.

42
00:02:25,760 --> 00:02:30,160
Sa natitira, magpokus kayo ulit,
pitong linggo tayong magkakasama,

43
00:02:30,240 --> 00:02:33,600
nagpopokus ulit sa gagawin
mula ngayon hanggang dulo ng season

44
00:02:33,720 --> 00:02:37,400
at ang dapat pag-usapan araw-araw,
ang eensayuhin natin,

45
00:02:37,440 --> 00:02:41,600
ang gagawin natin kada laro
ay pareho lang ng nakagawian, okay?

46
00:02:41,680 --> 00:02:43,720
Gusto ko lang kayong sabihan.

47
00:02:44,320 --> 00:02:48,200
Pag-uwi ng lahat, pare-pareho
tayo ng gusto nating gawin.

48
00:02:48,280 --> 00:02:53,000
Pag-uusapan natin 'to, kung sino tayo,
at ang pagkakakilanlan natin.

49
00:02:53,640 --> 00:02:54,480
ARSENAL
PAGKAKAKILANLAN

50
00:02:54,560 --> 00:02:59,640
Magpokus at mag-usap sa bihisan
at araw-araw sa ensayo tungkol lang dito.

51
00:03:00,720 --> 00:03:03,120
Isa itong koponan, tingnan ang reaksyon.

52
00:03:03,200 --> 00:03:07,360
'Di pwedeng mawala 'yon, ito ang bahagi ng
pagkakakilanlan nating pinakamalaki.

53
00:03:07,440 --> 00:03:10,760
Ang paraan ng pagpanalo natin sa mga laro,
pagsasama, pagkilos,

54
00:03:10,840 --> 00:03:15,120
kagustuhang bumuti ay dahil
may synergy tayo at pagkakaisa.

55
00:03:15,200 --> 00:03:19,040
Kaya tayo naglalaro ng football,
para ngumiti at magsaya rito.

56
00:03:19,120 --> 00:03:20,120
Mag-ingat.

57
00:03:26,120 --> 00:03:30,600
Mag-ingat dahil kailangan natin...
Tandaan ang sinabi ko sa disiplina.

58
00:03:31,960 --> 00:03:35,720
Granit, kaya 'wag mong damdamin
dahil dilaw lang ang nakuha mo,

59
00:03:35,800 --> 00:03:39,000
mabuti na 'yon dahil
maaaring napatalsik ka sa laro.

60
00:03:39,080 --> 00:03:42,280
Kaya 'wag umiyak masyado
pagkatapos ng laro 'pag nangyari 'yon.

61
00:03:42,640 --> 00:03:44,680
Okay? Tara na.

62
00:03:45,480 --> 00:03:50,840
CRYSTAL PALACE LABAN SA ARSENAL
SELHURST PARK STADIUM - ABRIL 4, 2022

63
00:03:56,400 --> 00:04:00,960
Si Mikel at ang koponan niya ay may
malaking tsansang manatili sa unang apat,

64
00:04:01,040 --> 00:04:03,520
dahil ang tatlo pa nilang
laban ay sa mga koponan

65
00:04:03,600 --> 00:04:05,960
na nasa ilalim na kalahati ng talaan.

66
00:04:06,040 --> 00:04:09,480
Ang una ay laban sa Crystal Palace
na nasa ika-12 pwesto.

67
00:04:09,560 --> 00:04:12,880
Tingin ko matindi ang
laban para sa ikaapat na pwesto.

68
00:04:12,960 --> 00:04:17,120
Sa ngayon, paborito ang Arsenal.
Sila ang magpapawala noon.

69
00:04:23,440 --> 00:04:25,160
Malaking gabi ito para sa Arsenal.

70
00:04:25,240 --> 00:04:28,160
Si Smith Row, ngayon si
Lacazette naman, binalik ang bola.

71
00:04:28,240 --> 00:04:30,920
Masyadong malakas
para kay Emile Smith Rowe.

72
00:04:32,000 --> 00:04:34,320
Malabo pa ang Arsenal sa ngayon.

73
00:04:37,080 --> 00:04:39,000
Sinusubok sila, ano?

74
00:04:43,080 --> 00:04:44,880
Natamaan niya ng ulo niya. Mateta!

75
00:04:48,240 --> 00:04:51,920
'Di aabot sa Champions League ng football
ang Arsenal 'pag ganito sila.

76
00:04:52,000 --> 00:04:54,520
Narito si Andersen,
sinipa ang bola hanap si Ayew,

77
00:04:54,600 --> 00:04:58,760
napunta sa penalty area, dapat pumuntos.
Lamang ng dalawa ang Palace.

78
00:04:59,360 --> 00:05:03,720
Magandang bigay ni Andersen mula sa likod.
At nasaan ang depensa ng Arsenal?

79
00:05:05,920 --> 00:05:09,800
Makatwirang sabihing ang koponan ni Mikel
Arteta ay malinaw na pangalawa lang.

80
00:05:12,800 --> 00:05:13,800
Bwisit.

81
00:05:14,520 --> 00:05:15,520
Hayop, mga pare!

82
00:05:15,600 --> 00:05:19,240
Nasa 45 minuto na lang!
'Di pwedeng ganito ang laro natin.

83
00:05:20,040 --> 00:05:22,040
Alam na natin ang dapat nating gawin!

84
00:05:24,320 --> 00:05:27,360
Bwisit. Sila ang babato sa unang aksyon.

85
00:05:27,440 --> 00:05:29,000
Ilayo n'yo ang bola!

86
00:05:29,600 --> 00:05:32,000
'Di tayo nananalo sa duelo, mga pare.

87
00:05:32,880 --> 00:05:37,080
Natatalo tayo sa una,
pangalawa, at ikatlong bola.

88
00:05:38,440 --> 00:05:41,160
Ang nangyari dito
ay 'di katanggap-tanggap.

89
00:05:41,240 --> 00:05:43,720
Tapos na, 'di na natin mababago, huli na,

90
00:05:43,800 --> 00:05:45,760
nabago sana natin
kaninang kalahating oras.

91
00:05:45,840 --> 00:05:48,960
Ngayon, nagkamali na tayo
at gusto kong magsimula ang lahat

92
00:05:49,040 --> 00:05:51,160
na parang 'di siya naglaro sa second half.

93
00:05:51,240 --> 00:05:53,320
Hindi tayo naglaro sa unang 45 minuto.

94
00:05:53,400 --> 00:05:56,240
Lumabas tayo roon,
at simulang baguhin ang kaisipan.

95
00:05:56,320 --> 00:05:58,600
Maniwalang mababago natin.
Laca, naniniwala?

96
00:05:58,680 --> 00:06:01,360
Kaya mong makadalawa o
tatlong puntos sa second half.

97
00:06:01,440 --> 00:06:03,800
B, Emile, tara, mga pare.

98
00:06:03,880 --> 00:06:05,480
-Tara.
-Tara!

99
00:06:13,440 --> 00:06:17,760
Marami silang tatrabahuhin,
para maagapan ang sitwasyon.

100
00:06:19,600 --> 00:06:21,280
Magandang takbo galing kay Saka.

101
00:06:21,720 --> 00:06:23,600
Sinusubukang palayuin si Kouyaté.

102
00:06:23,680 --> 00:06:26,600
Akala ng mga tagahanga
ng Arsenal ay penalty 'yon.

103
00:06:30,120 --> 00:06:32,120
Lacazette, heto si Smith Rowe.

104
00:06:35,080 --> 00:06:37,720
Narito si Partey,
may kaunting espasyo sa gitna.

105
00:06:37,800 --> 00:06:41,560
Inarko ang bola sa kaliwa at sumenyas
sa bangko na 'di siya natutuwa.

106
00:06:41,640 --> 00:06:43,000
-Thomas.
-Thomas?

107
00:06:45,000 --> 00:06:49,840
Tingin ko may hinila siya sa singit
o sa taas ng kanang hita niya.

108
00:06:51,680 --> 00:06:54,920
Mailalampas ba nila kay Nketiah,
papunta sa loob ng kahon,

109
00:06:55,000 --> 00:06:58,160
at binawasan ni Tyrick ang
agwat at kinuha ni Zaha

110
00:06:58,240 --> 00:06:59,840
at nasa kung saan-saan si Partey.

111
00:06:59,920 --> 00:07:03,840
Naibigay niya, halos 'di makalakad
at sinira ni Zaha ang depensa ng Arsenal,

112
00:07:03,920 --> 00:07:07,000
bumalik si Gabriel para sagupain siya,
bagsak si Zaha.

113
00:07:07,080 --> 00:07:08,480
Binigyan siya ng penalty.

114
00:07:17,680 --> 00:07:19,240
Mukhang seryoso 'yan.

115
00:07:20,600 --> 00:07:24,800
Ang pangarap ng Arsenal na
maka-Champions League ay lumalabo na.

116
00:07:38,560 --> 00:07:42,840
'Pag may mabigat kang tagpo,
at ngayon, masampal kayo sa mukha n'yo,

117
00:07:42,920 --> 00:07:44,600
ay dahil nararapat sa'tin 'yon.

118
00:07:44,680 --> 00:07:48,320
Nararapat tayong
masampal dahil sa laro natin.

119
00:07:48,400 --> 00:07:53,240
Yumuko kayo at isipin kung ano'ng
gagawin bukas at tulungan ang isa't isa

120
00:07:53,320 --> 00:07:56,080
at galingan dahil sa Sabado,
may isa pa tayo

121
00:07:56,160 --> 00:08:00,360
at sa ilang araw may isa pa,
kaya may siyam na pagkakataon.

122
00:08:04,160 --> 00:08:07,760
Pangit talaga ang laro
namin at pangit ang resulta.

123
00:08:09,040 --> 00:08:13,720
Naalala ko ang parating sinasabi ni
Arséne Wenger tungkol sa kumpiyansa,

124
00:08:13,800 --> 00:08:16,840
aakyat ka sa hagdan,
bababa ka sa elevator.

125
00:08:17,760 --> 00:08:21,480
Anumang mabigat na pagkatalo ay
mararamdaman mo bilang manlalaro.

126
00:08:39,520 --> 00:08:42,080
Ang football ay taas-baba,
'pag nasa taas ka,

127
00:08:42,160 --> 00:08:44,840
ingat ka dahil agad-agad nasa baba ka na.

128
00:08:44,880 --> 00:08:47,640
Wala kang palugit para magkamali sa ngayon

129
00:08:47,760 --> 00:08:50,320
kaya nakasalalay sa
pagpipilit sa mga manlalaro

130
00:08:50,400 --> 00:08:52,520
na maintindihan ang halaga ng bawat laban.

131
00:08:52,640 --> 00:08:57,440
Nang hindi masyadong hinihigpitan
na nahihirapan na silang umagapay.

132
00:08:58,880 --> 00:09:02,360
Kinabukasan, maaga si Mikel
sa lingguhang pulong niya

133
00:09:02,440 --> 00:09:04,880
sa mga lider ng football ng club.

134
00:09:05,880 --> 00:09:06,840
Gandang umaga, Tim.

135
00:09:06,880 --> 00:09:08,080
Magandang umaga.

136
00:09:08,880 --> 00:09:10,160
Oo. Hello.

137
00:09:10,240 --> 00:09:12,640
-Kumusta ka? Ayos lang.
-Ayos ka lang?

138
00:09:12,720 --> 00:09:14,760
-Gandang umaga, tagal nating 'di nagkita.
-Oo.

139
00:09:15,440 --> 00:09:16,320
Magandang umaga.

140
00:09:18,080 --> 00:09:19,480
Kumusta ang mga boys?

141
00:09:21,240 --> 00:09:23,200
Na-touch sila kagabi.

142
00:09:23,280 --> 00:09:24,320
Oo.

143
00:09:25,880 --> 00:09:29,840
Para bang, hayaan mo sila
at alukin silang maging malapit

144
00:09:29,880 --> 00:09:32,360
-at magkakasama ngayon.
-Oo.

145
00:09:33,000 --> 00:09:35,520
Kaysa, papasok ka,
magbibigay na naman ng payo.

146
00:09:35,640 --> 00:09:36,720
Tahimik ba?

147
00:09:37,840 --> 00:09:39,240
Hindi tahimik sa half time.

148
00:09:39,320 --> 00:09:42,880
Tumutugon sila at
isinasantabi ang first half,

149
00:09:43,640 --> 00:09:46,000
at gusto nilang galingan sa second half,

150
00:09:46,080 --> 00:09:49,000
pero pagkatapos ay nanlumo na sila.

151
00:09:51,080 --> 00:09:54,760
Gary, gusto mong simulan sa kung
nasaan na tayo pagdating sa kalakasan?

152
00:09:54,840 --> 00:09:58,640
Ang masama, sa unang beses nitong
mga nakaraan may ilang isyu,

153
00:09:59,440 --> 00:10:03,080
na siyang laging dahilan
para mangyari 'to.

154
00:10:03,160 --> 00:10:07,320
Ang masama, si Thomas, ay nagpasa
ng bola sa pitch na tila walang problema,

155
00:10:07,400 --> 00:10:09,280
pero naramdaman niya
agad ang rec fem niya.

156
00:10:09,360 --> 00:10:12,760
Palagay ko maraming linggo
siyang mawawala, ikinalulungkot ko.

157
00:10:12,840 --> 00:10:17,840
Ang malaking isyu ay halata namang
si Kieran Tierney sa laro sa Wolves,

158
00:10:17,880 --> 00:10:20,720
may hyper extension injury siya,
tinapos niya ang laro,

159
00:10:20,760 --> 00:10:25,000
'di 'yon sinabi at naglaro pa ng limang
sunod nang walang problema,

160
00:10:25,080 --> 00:10:30,320
pero lumabas siya sa liguan noong
Huwebes pagkatapos ng pagsasanay

161
00:10:30,400 --> 00:10:33,640
lumiko at kinurba ang tuhod
at naramdaman 'tong nasira.

162
00:10:33,720 --> 00:10:37,200
Ikinalulungkot kong wala siya
ngayong season para sa Arsenal.

163
00:10:37,840 --> 00:10:40,440
Magiging maingat ako
ngayon paano namin 'to aayusin.

164
00:10:40,520 --> 00:10:41,440
Sige.

165
00:10:41,520 --> 00:10:43,320
-Balitaan mo kami.
-Oo.

166
00:10:43,400 --> 00:10:46,880
Isasama ko kayo sa grupo at
babalitaan ko kayo kung may magbago.

167
00:10:57,360 --> 00:10:59,600
-'Yong meniscus mo ba?
-Ang cartilage.

168
00:11:00,000 --> 00:11:02,720
-Tapos na ba ang season mo?
-Siguradong tapos na.

169
00:11:10,840 --> 00:11:11,840
Sige, mga pare.

170
00:11:15,720 --> 00:11:17,400
Masakit tingnan 'to.

171
00:11:17,480 --> 00:11:18,960
ARSENAL FC LABAN SA CRYSTAL PALACE
3 - 0

172
00:11:19,040 --> 00:11:21,360
Napabayaan natin ang sarili natin kahapon.

173
00:11:22,760 --> 00:11:24,080
Siguro nasasaktan kayo.

174
00:11:24,880 --> 00:11:29,360
Ang nangyari kahapon ay malaking aral,
at ayaw kong pagdaanan n'yo 'yon ulit.

175
00:11:30,160 --> 00:11:34,040
Pero mas may tiwala na
ako ngayon kaysa dati, bakit?

176
00:11:34,120 --> 00:11:36,480
Binigyan n'yo 'ko ng
dahilan para magtiwala,

177
00:11:37,080 --> 00:11:39,640
at ngayon tungkol ito sa
pagtitiwala sa sarili n'yo.

178
00:11:39,720 --> 00:11:41,320
Sa magiging laro sa susunod,

179
00:11:41,400 --> 00:11:43,840
sa susunod na ensayo, sa pag-uwi natin.

180
00:11:43,920 --> 00:11:47,920
Sa Sabado, sa stadium Emirates,
puno sila sa likuran n'yo,

181
00:11:48,000 --> 00:11:51,000
ibigay natin sa kanila ang gusto natin
at ipakita sa kanila

182
00:11:51,080 --> 00:11:53,680
na may iba na tayong sigla at pagtatalaga,

183
00:11:53,760 --> 00:11:56,920
at maglalaro tayo nang mas matapang doon.

184
00:11:57,000 --> 00:11:58,320
'Pag nandoon ka sa pitch,

185
00:11:58,920 --> 00:12:01,320
magpokus at mangako,
at gawin mo ang trabaho mo.

186
00:12:01,400 --> 00:12:04,760
Kung hindi, kung 'di mo kaya,
'di ka nararapat sa pitch na 'yon.

187
00:12:05,560 --> 00:12:06,640
Malinaw ba tayo?

188
00:12:07,680 --> 00:12:10,080
May pagsubok kayo, magandang pagsubok.

189
00:12:10,160 --> 00:12:13,080
Pagtagumpayan natin. Tara.

190
00:12:20,120 --> 00:12:22,320
Habang may pinsala ang
mga regular na manlalaro,

191
00:12:22,400 --> 00:12:26,480
pagkakataon ito sa ilan sa koponan
na galingan at patunayan ang sarili nila.

192
00:12:27,200 --> 00:12:28,040
Robinho.

193
00:12:30,400 --> 00:12:31,560
Maayos ka? Kumusta?

194
00:12:31,640 --> 00:12:33,560
-Mabuti?
-Mag-eensayo ka ngayon?

195
00:12:33,640 --> 00:12:34,760
Oo. Mahusay.

196
00:12:35,800 --> 00:12:39,880
Tingin ko bawat manlalaro may papel,
at nagbabago 'yon sa isang season.

197
00:12:39,960 --> 00:12:43,560
Minsan kailangan nasa
gilid ka o nasa bangko

198
00:12:43,640 --> 00:12:46,120
at sumuporta at humandang mag-ambag

199
00:12:46,200 --> 00:12:49,560
'pag lima o sampung minuto na lang,
o kahit wala nang ambag,

200
00:12:49,640 --> 00:12:52,080
gamit lang ang lakas mo, ang katawan mo,

201
00:12:52,160 --> 00:12:54,320
sumuporta ka sa koponan.

202
00:12:54,720 --> 00:12:57,240
Sa loob, Eddie. Sa loob, magaling.

203
00:12:57,800 --> 00:13:00,120
Ito ang pinakamahirap sa football…

204
00:13:00,200 --> 00:13:03,200
…bilang manlalaro.
Araw-araw kang magpapagod,

205
00:13:03,280 --> 00:13:05,520
para naroon ka sa pitch sa weekend,

206
00:13:05,600 --> 00:13:08,560
at 'yon ang layunin ng lahat,
ang mapunta sa pitch,

207
00:13:08,640 --> 00:13:10,360
pero 11 lang ang makakapagsimula.

208
00:13:11,680 --> 00:13:14,800
Halika. Gabi, Cédric, Mo. Mo, dito ka rin.

209
00:13:14,960 --> 00:13:16,360
Pépé halika, Rob.

210
00:13:18,160 --> 00:13:20,440
'Di ako ang nagdedesisyon
kundi ang manager.

211
00:13:20,520 --> 00:13:22,280
Masaya ako anumang desisyon niya.

212
00:13:22,360 --> 00:13:27,040
Suportado ang koponan maglalaro
man ako o hindi. Kaygaling na miyembro.

213
00:13:27,120 --> 00:13:29,880
-Ikaw 'yon.
-Kung may 11 na ako, mapapabuti ka.

214
00:13:31,520 --> 00:13:33,640
-Magaling. Ulit, Mo.
-Gabi, samahan mo.

215
00:13:33,720 --> 00:13:38,000
'Di ako masaya 'pag 'di nakalaro,
pero ang gigil na 'to.

216
00:13:38,200 --> 00:13:39,840
Inilalagay ko sa pagsasanay.

217
00:13:39,920 --> 00:13:43,040
Dahil binibigay ko lahat para,

218
00:13:43,120 --> 00:13:46,320
palaruin ako ng coach, pero
kung 'di maglalaro, ayos lang,

219
00:13:46,400 --> 00:13:49,800
pero malungkot pa rin ako,
'di pa rin masaya na 'di makalaro.

220
00:13:49,880 --> 00:13:51,000
Mahusay, boys.

221
00:13:53,640 --> 00:13:54,480
Napakahusay.

222
00:13:54,560 --> 00:13:58,400
Totoo may mga importanteng pinsala,
maging sa mga importanteng manlalaro.

223
00:13:58,480 --> 00:14:03,080
Pero muli, pwede kang umiyak,
magdahilan, o gawin ang kabaliktaran.

224
00:14:03,160 --> 00:14:07,080
Dapat maging mas malakas at panatilihin
ang sigla at tiwala ng mga manlalaro

225
00:14:07,160 --> 00:14:08,400
na mataas hanggang kaya.

226
00:14:11,120 --> 00:14:12,320
Kumusta ka, Sambi?

227
00:14:20,720 --> 00:14:23,040
-Kumain ka, Nuno.
-Nagbago ka na.

228
00:14:23,120 --> 00:14:25,680
-Nagbago ka na mula dumating ka.
-Mabilis nagbago.

229
00:14:26,400 --> 00:14:28,080
Nakangiti dati ang taong 'to.

230
00:14:28,160 --> 00:14:29,680
Oo, sobrang saya niya.

231
00:14:30,120 --> 00:14:31,160
Naglalaro ako.

232
00:14:32,480 --> 00:14:33,640
Ano naman, kaibigan?

233
00:14:34,360 --> 00:14:37,800
Akala mo ikaw lang
ang 'di naglalaro, kaibigan.

234
00:14:37,880 --> 00:14:40,440
'Wag kang maawa
sa sarili mo at gising na, pare.

235
00:14:44,680 --> 00:14:50,120
Ang pinakamalaking pagsubok ni Arteta ay
paano gawing nagkataon lang ang pagkatalo

236
00:14:50,200 --> 00:14:52,680
at hindi ang sasalamin sa buong season.

237
00:14:54,960 --> 00:14:59,640
Napakumbaba ng Crystal Palace ang Arsenal,
at may dapat silang patunayan.

238
00:15:02,200 --> 00:15:08,200
ARSENAL LABAN SA BRIGHTON
EMIRATES STADIUM - ABRIL 9, 2022

239
00:15:08,880 --> 00:15:10,520
Isang home match laban sa Brighton,

240
00:15:10,600 --> 00:15:13,160
na hindi nakapuntos
sa huli nilang tatlong laro,

241
00:15:13,240 --> 00:15:16,960
ang pinakamagandang oportunidad
para sa koponan ni Mikel na makabangon

242
00:15:17,040 --> 00:15:18,400
sa pagkatalo sa Palace.

243
00:15:26,320 --> 00:15:28,600
Tayo na kayo, magsama-sama.

244
00:15:28,680 --> 00:15:29,680
Tara.

245
00:15:31,760 --> 00:15:35,720
Inimbento ni Edison ang bumbilya.

246
00:15:38,120 --> 00:15:41,960
Ngayon gusto ko makakita
ng koponan na magkakaugnay,

247
00:15:42,040 --> 00:15:44,400
dahil ang bumbilya
sa sarili niya ay wala lang.

248
00:15:44,480 --> 00:15:47,880
Gusto ko ng koponan
na magkakaugnay sa isa't isa,

249
00:15:47,960 --> 00:15:52,000
at lumiliwanag,
at gusto mong ipasa sa kaniya,

250
00:15:52,840 --> 00:15:56,280
ang liwanag at lakas at kagustuhan
at ang laro n'yo ng football,

251
00:15:56,360 --> 00:16:00,520
at gano'n rin kayo, at bawat isa
ay maglaro nang magkakaugnay.

252
00:16:00,960 --> 00:16:03,560
Dahil ano'ng mangyayari
'pag magkakaugnay tayo?

253
00:16:04,200 --> 00:16:06,560
Ano'ng kasunod na mangyayari?

254
00:16:06,640 --> 00:16:10,360
Mauugnay tayo sa 60,000 tao,
na lilikha pa ng lakas,

255
00:16:10,440 --> 00:16:15,440
dahil sa dulo ay ang kuryente na gamit ang
init na gumagawa ng liwanag at buhay,

256
00:16:15,520 --> 00:16:17,480
kung hindi, magiging madilim,

257
00:16:17,560 --> 00:16:20,640
kung ang taong 'to
ay 'di nagkaideyang gawin 'yon.

258
00:16:20,720 --> 00:16:22,680
At gusto kong ganito kayo maglaro

259
00:16:22,760 --> 00:16:25,520
dahil magaling man tayo,
depende pa rin sa iisang bagay.

260
00:16:25,600 --> 00:16:28,320
Ang magpapaespesyal sa atin ay ang ugali,

261
00:16:28,400 --> 00:16:30,840
at ngayon gusto kong maglaro
kayo na may ganyang ugali.

262
00:16:30,920 --> 00:16:34,960
Lumabas kayo roon, buksan ang ilaw,
at maglaro ng football. Tara.

263
00:16:35,040 --> 00:16:36,880
Tara!

264
00:16:40,520 --> 00:16:42,280
Larong dapat maipanalo ng Arsenal.

265
00:16:42,360 --> 00:16:47,000
Matapos ang resulta laban sa Crystal
Palace, gusto nilang makabangon.

266
00:16:51,960 --> 00:16:54,400
Isang tsansa para
makalusot sa gitna si Welbeck

267
00:16:54,480 --> 00:16:58,200
at si Ramsdale ay pumasok sa
linya niya at sinipa ang bola palayo.

268
00:16:58,280 --> 00:17:01,040
Na kay Lokonga, lumayo kay MacAllister,

269
00:17:01,120 --> 00:17:04,360
pumunta kay Gabriel,
na dikit na dikit kay Danny Welbeck

270
00:17:04,440 --> 00:17:07,480
at kay Pascal at pinasa palabas ang bola.

271
00:17:07,560 --> 00:17:10,720
'Di magandang simula ng Arsenal,
may ilang pag-aalala na.

272
00:17:12,640 --> 00:17:17,560
Inilagay ang bola sa kanan kay Brighton,
inatras, ang puntos ay, kay Trossard!

273
00:17:21,440 --> 00:17:22,640
Nanguna ang Brighton!

274
00:17:24,200 --> 00:17:28,560
At may malaking dagok sa paghahabol
ng Arsenal sa top four.

275
00:17:30,400 --> 00:17:33,960
Patuloy na nahihirapan ang
Arsenal sa simula ng second half.

276
00:17:34,760 --> 00:17:36,800
Kaya ba niyang iatras para sa kakampi?

277
00:17:38,320 --> 00:17:40,560
Pasok! Ayos!

278
00:17:40,640 --> 00:17:44,560
At baka wala sa kamay ng Arsenal
ang kanilang kapalaran.

279
00:17:50,080 --> 00:17:54,040
Nakapuntos si Martin Ødegaard sa
huling minuto ng karaniwang oras.

280
00:17:54,080 --> 00:17:56,160
Isa pang bugso mula kay Ødegaard, pasok!

281
00:17:56,240 --> 00:17:57,800
Nakabawi sila ng puntos.

282
00:17:57,880 --> 00:18:02,320
Noon ang pamalit na si Eddie Nketiah ay
may tsansang pumantay sa mga huling oras.

283
00:18:05,880 --> 00:18:07,720
Naisalba ni Sánchez.

284
00:18:07,800 --> 00:18:09,080
Pero huli na ang lahat.

285
00:18:10,520 --> 00:18:15,000
Sinumpa ng Brighton at Hove Albion ang
Arsenal sa sunud-sunod na pagkatalo.

286
00:18:25,520 --> 00:18:28,080
Basics lang at throw in,

287
00:18:28,160 --> 00:18:30,200
pumasok sa kahon at nadaig na tayo.

288
00:18:32,880 --> 00:18:33,880
Basics lang.

289
00:18:47,920 --> 00:18:48,920
Lintik.

290
00:19:12,960 --> 00:19:16,240
Marami akong nararamdaman.
Tingnan n'yo ako 'pag nagsasalita ako.

291
00:19:17,480 --> 00:19:19,080
Marami akong nararamdaman,

292
00:19:19,200 --> 00:19:21,680
kaya 'di ko alam ngayon
ang tamang salita para sa inyo,

293
00:19:21,760 --> 00:19:23,720
kaya sa Lunes na lang ako magsasalita.

294
00:19:24,480 --> 00:19:27,200
Mabuting 'di kayo sumuko,

295
00:19:27,280 --> 00:19:30,040
pero dapat umpisahan
nating maglaro sa unang minuto.

296
00:19:30,080 --> 00:19:32,680
Ngayon dalawang laro na sa first half,

297
00:19:32,760 --> 00:19:36,320
wala tayo roon, 'di tayo umiiral,

298
00:19:36,400 --> 00:19:39,680
wala tayo sa dapat na
kinalalagyan ng koponan na 'to.

299
00:19:44,080 --> 00:19:45,960
Dapat sisihin ng manlalaro mga sarili,

300
00:19:46,040 --> 00:19:49,800
malamang kailangan nila ng determinasyon
kung magtatangka sa unang apat,

301
00:19:49,920 --> 00:19:52,560
kailangang may hanapin
at talagang makuha 'yon.

302
00:19:52,640 --> 00:19:56,800
Ang gano'ng laro ay walang
patutunguhan, makalumang Arsenal.

303
00:20:00,160 --> 00:20:04,960
Kung ang koponan na 'yon ay gano'n pa rin
laban sa Chelsea at Tottenham,

304
00:20:05,040 --> 00:20:06,080
wala silang tsansa.

305
00:20:07,400 --> 00:20:09,400
Sa unang beses sa apat na buwan,

306
00:20:09,480 --> 00:20:12,680
Dalawang sunod na talo
ang nakuha ng Arsenal,

307
00:20:12,760 --> 00:20:16,720
at nalampasan na ng lokal
na karibal na Tottenham Hotspur.

308
00:20:36,560 --> 00:20:39,920
Matapos ang mga talo,
bababa ang sigla at tiwala,

309
00:20:40,000 --> 00:20:43,720
tatanungin mo ang sarili mo,
at may 24, 48 oras ka,

310
00:20:43,800 --> 00:20:47,480
tingin ko, kung saan kailangan mong
nilay-nilayin ang mga talong 'yon.

311
00:20:47,560 --> 00:20:49,680
Pero kailangan mong makalampas doon

312
00:20:49,760 --> 00:20:53,640
at buuin ulit ang kumpiyansa,
ang bugso, ang sigla,

313
00:20:53,720 --> 00:20:57,400
at ang tamang antas ng paghahanda
para sa susunod na laro,

314
00:20:57,480 --> 00:20:59,000
dahil tapos na ang isang 'yon.

315
00:21:04,280 --> 00:21:05,280
Okay.

316
00:21:06,560 --> 00:21:09,960
Matapos ang laro, ayaw ko kayong kausapin.

317
00:21:10,040 --> 00:21:13,760
Alam kong may sasabihin
akong pagsisisihan ko.

318
00:21:13,800 --> 00:21:16,920
Pero sinasabi ko sa inyo ngayon.
Grabeng trahedya 'yon.

319
00:21:17,880 --> 00:21:20,800
Tinitingnan ko kayo sa mata
at sinasabing trahedya 'yon,

320
00:21:20,920 --> 00:21:23,880
wala 'yon sa antas
ng laro na kailangan natin.

321
00:21:25,000 --> 00:21:26,560
Ang ilan sa inyo, ugali.

322
00:21:26,680 --> 00:21:31,000
Hindi ang pagkakamali ang tinutukoy ko.
Ni ang tapang na maglaro.

323
00:21:31,800 --> 00:21:35,480
Matapos matalo ng dalawang laro
sa Crystal Palace at Brighton,

324
00:21:35,560 --> 00:21:39,320
talagang burol ito. Burol.

325
00:21:39,400 --> 00:21:41,200
Alam n'yo bakit 'di kayo nanalo?

326
00:21:41,280 --> 00:21:45,560
Dahil may kulang, may kulang sa loob n'yo.

327
00:21:45,640 --> 00:21:48,000
Paglabas n'yo roon, may kulang.

328
00:21:48,080 --> 00:21:49,200
Paano natin babaguhin 'yon?

329
00:21:49,960 --> 00:21:51,240
Babaguhin natin sa ensayo.

330
00:21:51,320 --> 00:21:54,600
Bawat bola at kilos
kailangang pinakamagaling n'yo,

331
00:21:54,680 --> 00:21:56,360
gano'n natin 'yon babaguhin.

332
00:21:56,800 --> 00:21:59,720
Dahil maniwala kayo, wala akong babaguhin.

333
00:21:59,800 --> 00:22:01,280
Hindi ko 'yon babaguhin.

334
00:22:01,360 --> 00:22:03,920
Magpapalit ako ng isa o
apat na manlalaro, o 11,

335
00:22:04,000 --> 00:22:05,640
pero hindi ang ginagawa natin.

336
00:22:05,720 --> 00:22:07,560
Dahil 'yon ang kinukuha rito,

337
00:22:07,640 --> 00:22:10,000
at 'yon ang magpapaangat sa atin.

338
00:22:10,080 --> 00:22:13,440
Pero kailangan nating husayan pa,
dahil kaya n'yong husayan pa.

339
00:22:14,760 --> 00:22:18,480
Kaya umalis kayo sa kwartong
iniisip na 'di pa 'to sapat,

340
00:22:18,560 --> 00:22:21,240
na kailangan nating maglaro
nang ibang-iba ang antas.

341
00:22:21,320 --> 00:22:24,680
Wala akong inuutusang pumunta rito,
mag-dribble ang tatlong manlalaro

342
00:22:24,760 --> 00:22:26,960
at ipasok ang bola, sa tingin ko.

343
00:22:27,040 --> 00:22:30,800
Ang sinasabi ko lang
gawin nang tama ang basics, okay?

344
00:22:31,360 --> 00:22:32,840
May gusto ba kayong sabihin?

345
00:22:33,960 --> 00:22:35,360
May kailangan ba kayo?

346
00:22:36,680 --> 00:22:38,320
Kung kailangan n'yong uminom,

347
00:22:38,400 --> 00:22:41,960
sama-samang manood ng football,
anuman, sabihin n'yo sa'kin.

348
00:22:42,040 --> 00:22:44,720
Hindi 'yon problema, pero gusto
kong magpakasaya kayo.

349
00:22:44,800 --> 00:22:48,440
Kita ko kayo sa first half,
at sabi ko, "Ano'ng ginagawa ko?"

350
00:22:48,520 --> 00:22:51,600
Gusto kong pumasok,
'di ko ramdam ang koponan.

351
00:22:53,200 --> 00:22:54,200
'Di ko ramdam.

352
00:22:56,800 --> 00:22:57,760
Tara.

353
00:23:01,080 --> 00:23:07,080
SOUTHAMPTON LABAN SA ARSENAL
ST. MARY'S STADIUM - ABRIL 16, 2022

354
00:23:07,360 --> 00:23:10,160
Sa kasunod na laro ng Arsenal,
sa Southampton,

355
00:23:11,880 --> 00:23:16,320
unang pagsisimula ni Eddie Nketiah
na tapos sa akademya,

356
00:23:18,200 --> 00:23:20,160
pero hirap siyang makapag-ambag.

357
00:23:20,240 --> 00:23:22,000
Dapat galingan ni Nketiah doon.

358
00:23:22,080 --> 00:23:25,320
Mabibigo ang bata na hindi siya

359
00:23:25,400 --> 00:23:27,000
nakatulong sa grupo.

360
00:23:27,080 --> 00:23:28,960
Dehado ang Arsenal nang isang puntos.

361
00:23:29,040 --> 00:23:30,920
Elyounoussi, Bednarek.

362
00:23:34,600 --> 00:23:37,840
Nalaglag sa ikaanim ang koponan
ni Mikel dahil sa isa pang talo.

363
00:23:38,640 --> 00:23:40,440
Sa ibaba ng Manchester United.

364
00:23:42,000 --> 00:23:43,800
Mula nang maging pandaigdigan,

365
00:23:43,880 --> 00:23:47,960
nakaranas sila ng tatlong sunud-sunod
na talo at isang beses lang nakapuntos.

366
00:23:48,040 --> 00:23:50,760
Heto si Sam, na isang tagahanga
ng Arsenal. Magandang gabi.

367
00:23:50,840 --> 00:23:55,040
Tingin ko 'di gano'ng kabagay si
Eddie Nketiah sa Arsenal

368
00:23:55,120 --> 00:23:57,400
para sa susunod na antas na gusto nila.

369
00:23:57,480 --> 00:24:01,480
Madidismaya ba ang mga tagahanga nila
kung maalis siya, o gustong manatili siya?

370
00:24:01,560 --> 00:24:04,600
Maiintindihan nila. Kung gusto
ng Arsenal na manalo sila,

371
00:24:04,680 --> 00:24:07,720
kailangan nilang umusad,
o kung gusto nila siyang reserba

372
00:24:07,800 --> 00:24:10,080
kumuha sila ng ibang angat sa kaniya.

373
00:24:10,520 --> 00:24:14,280
'Di alam ng mga tao na
ang pagiging striker ay mahirap,

374
00:24:14,360 --> 00:24:18,320
lalo na sa Arsenal.
Ang responsibilidad ng laro ay nasa iyo.

375
00:24:18,400 --> 00:24:22,160
'Pag inisip mo, "Dapat akong
pumuntos dahil trabaho ko 'yon,"

376
00:24:22,240 --> 00:24:25,280
masyado mong hinihigpitan ang sarili mo.

377
00:24:25,360 --> 00:24:27,560
Tingin ko nasa 23 na si Eddie ngayon?

378
00:24:27,640 --> 00:24:31,880
Nakaatang sa kaniyang ipasok ulit
ang Arsenal sa Champions League

379
00:24:31,960 --> 00:24:34,880
at manalo sa Premier League,
mabigat na pasanin,

380
00:24:34,960 --> 00:24:36,680
kaya kailangan niya ng tulong.

381
00:24:54,600 --> 00:24:56,360
Hello sa mga tagapakinig, welcome.

382
00:24:56,440 --> 00:24:57,280
THE BEAUTIFUL GAME PODCAST
PANAYAM KAY EDDIE NKETIAH

383
00:24:57,360 --> 00:25:01,720
Natutuwa akong sabihing kasama natin ang
Arsenal na footballer, si Eddie Nketiah.

384
00:25:01,800 --> 00:25:03,080
Masaya akong maparito.

385
00:25:03,160 --> 00:25:05,680
Dinig mo ang daing
ng mga tagahanga ng Arsenal na,

386
00:25:05,760 --> 00:25:07,960
"Kailangan natin ng bagong
nine, wala na si Auba."

387
00:25:08,040 --> 00:25:09,600
Nakaupo ka ba roon at naiisip,

388
00:25:09,680 --> 00:25:12,360
"Pwede akong lunas
kung bibigyan n'yo ako ng oras."

389
00:25:12,440 --> 00:25:14,480
'Yon ang pinakamalaki kong kabiguan.

390
00:25:14,560 --> 00:25:18,120
'Di ako makaalala na nakapaglaro
ako nang tatlong sunud-sunod.

391
00:25:18,200 --> 00:25:21,000
Paano mo matitimbang ang tao?
Bigyan mo ng oportunidad,

392
00:25:21,080 --> 00:25:24,120
kung magsimula ako ng tatlo,
apat na laro, at walang puntos, mali ko,

393
00:25:24,200 --> 00:25:27,040
pero isang laro, at ayos ako,
at wala kaming puntos

394
00:25:27,120 --> 00:25:30,520
at nasa pang-59 na
minuto ako, ano'ng gagawin ko?

395
00:25:30,600 --> 00:25:33,600
Pumapasok ako sa walo,
pitong minuto para isalba ang laro.

396
00:25:33,680 --> 00:25:35,160
Mahirap, pare.

397
00:25:35,240 --> 00:25:38,240
Gusto mo ng oportunidad na
lima, anim na sunud-sunod na laro,

398
00:25:38,320 --> 00:25:42,520
'di mo nakukuha,
'yon siguro ang pinakamahirap.

399
00:25:47,200 --> 00:25:51,400
Nagsalita si Nketiah ngayon sa kabiguan
niya dahil sa kakulangan sa oportunidad.

400
00:25:51,480 --> 00:25:54,600
Tamang mainis siya.
Ito ang gusto namin sa mga manlalaro

401
00:25:54,680 --> 00:25:57,000
na 'di sila nakalaro, lalo na si Eddie,

402
00:25:57,080 --> 00:26:00,560
dahil kung may manlalarong dapat
pang magkaroon ng tsansa,

403
00:26:00,640 --> 00:26:02,120
siguradong si Eddie 'yon.

404
00:26:02,200 --> 00:26:04,720
Kaya bang makapasok
ng Arsenal sa Champions League

405
00:26:04,800 --> 00:26:06,200
nang 'di panay ang puntos?

406
00:26:06,280 --> 00:26:09,520
Ang striker ay kailangang pumuntos,
kailangan ng mga aatake,

407
00:26:09,600 --> 00:26:12,320
kailangan ng pagbabago.
Kumbinasyon ng lahat-lahat,

408
00:26:12,400 --> 00:26:15,320
hindi lang isang manlalaro ang kikilos.

409
00:26:15,400 --> 00:26:19,640
Sinabi ko na nang paulit-ulit kay Eddie,
pati kung paano ko siya markahan,

410
00:26:19,720 --> 00:26:23,600
na may malalaki kaming plano
sa kaniya sa club na 'to sa hinaharap

411
00:26:23,680 --> 00:26:28,160
at ito ang lagay namin ngayon,
at kailangang tanggapin ang realidad.

412
00:26:33,400 --> 00:26:36,200
'Pag 'di ka napili, dinaramdam mo.

413
00:26:36,280 --> 00:26:39,640
Noong manlalaro ako naiinis
ako at ang gagawin ko…

414
00:26:39,720 --> 00:26:42,320
uuwi ako sa bahay
at 'di talaga ako masaya.

415
00:26:42,880 --> 00:26:45,320
Narito tayo dahil gusto nating maglaro.

416
00:26:45,400 --> 00:26:49,440
At ang pinakamasayang sandali
ng linggo ay ang Sabado o Linggo

417
00:26:49,520 --> 00:26:52,960
na pupunta ka roon at ang pito
ay tutunog at maglalaro ka,

418
00:26:53,040 --> 00:26:55,080
kaya ka nga manlalaro ng football.

419
00:26:56,760 --> 00:26:57,720
Mahusay, Mo.

420
00:26:57,800 --> 00:27:00,880
Ang ilang manlalaro,
'pag 'di nakalaro, nayayamot sila.

421
00:27:00,960 --> 00:27:03,160
Hindi siya masaya,
pero palagi kong sinasabi,

422
00:27:03,240 --> 00:27:06,440
"Tumutok ka lang sa trabaho mo,
makukuha mo rin ang tsansa mo."

423
00:27:10,280 --> 00:27:12,360
Bata ka pa, inosente ka pa,

424
00:27:12,440 --> 00:27:17,000
gusto mo pang gumawa
nang higit siguro sa kaya mo.

425
00:27:17,240 --> 00:27:20,560
At habang nagkakaedad, nakakaranas,
at nakakarami ng laro

426
00:27:21,400 --> 00:27:22,720
magsisimula kang matuto.

427
00:27:22,800 --> 00:27:27,200
Walang gustong umupo sa labas
at manood ng laro nang 'di tumutulong.

428
00:27:27,280 --> 00:27:28,920
Parte ito ng football.

429
00:27:29,000 --> 00:27:31,240
Kailangang matatag ang isip mo.

430
00:27:32,480 --> 00:27:33,400
Eddie.

431
00:27:35,760 --> 00:27:38,840
Si Eddie ay tipong
gustong maging pinakamahusay,

432
00:27:38,920 --> 00:27:41,320
gusto niyang maging
number nine sa club na 'to,

433
00:27:41,400 --> 00:27:45,560
at 'pag 'di siya naglalaro, ipapakita niya
sa'yo sa antas niya sa pagsasanay,

434
00:27:45,640 --> 00:27:49,360
sa galit niya sa pagsasanay,
na sa maraming beses mali ka.

435
00:27:49,600 --> 00:27:50,440
Handa na?

436
00:27:51,400 --> 00:27:53,360
Susubukan kong ipanalo ang bola.

437
00:27:53,720 --> 00:27:56,840
Isa, dalawa, tatlo, heto palihis.

438
00:27:56,920 --> 00:27:58,160
Magaling, Eddie, ulit.

439
00:27:58,960 --> 00:28:01,280
Ang sunod na laro ng Arsenal
ay laban sa Chelsea,

440
00:28:01,360 --> 00:28:04,160
ang club na kumuha kay Eddie
noong siyam na taon siya,

441
00:28:04,240 --> 00:28:07,200
pero inalis siya sa akademya
nila makalipas ang ilang taon.

442
00:28:07,280 --> 00:28:11,480
Bilang batang 13 taon, mahirap,
dumating nang biglaan.

443
00:28:11,560 --> 00:28:14,800
Ang karanasan na 'yon ang
nag-udyok pa sa'kin para magtagumpay.

444
00:28:14,880 --> 00:28:17,760
Ang pagharap sa kasawian sa batang gulang,

445
00:28:17,840 --> 00:28:20,280
tingin ko mas pinalakas ako n'on.

446
00:28:21,160 --> 00:28:25,800
Handa na? Isa, dalawa, tatlo, heto.

447
00:28:27,280 --> 00:28:28,280
Magaling.

448
00:28:32,160 --> 00:28:34,840
Lagi't lagi. Perpekto.

449
00:28:37,000 --> 00:28:38,880
Matapos galingan sa pagsasanay,

450
00:28:38,960 --> 00:28:41,960
may pagkakataon si Eddie
na magsimula sa sunud-sunod na laro

451
00:28:42,040 --> 00:28:43,880
sa unang beses sa season na 'to.

452
00:28:43,960 --> 00:28:48,480
Tinalakay ni Assistant Coach Albert
Stuivenberg ang mga dati niyang laro

453
00:28:48,560 --> 00:28:50,600
para ihanda siya sa susunod na laban.

454
00:28:51,440 --> 00:28:55,960
Ano rito sa mga tinalakay natin ang,

455
00:28:56,720 --> 00:28:59,800
alam mo na, dinala mo
sa laro sa Southampton?

456
00:28:59,880 --> 00:29:02,880
Ang maging mas alerto,
'wag masyadong makampante.

457
00:29:02,960 --> 00:29:07,080
Oo. Dahil ito ang una kong simula,
mas mapapabuti ko pa.

458
00:29:07,160 --> 00:29:08,160
Oo. Tama.

459
00:29:08,240 --> 00:29:12,520
Una mong simula sa Premier League,
kaya marami ka pang matututunan.

460
00:29:13,440 --> 00:29:15,440
Hindi madali, naiintindihan ko 'yon.

461
00:29:16,040 --> 00:29:18,560
At saka kung saan ka nanggagaling,

462
00:29:18,640 --> 00:29:22,880
na 'di masyadong nakakalaro, ngayon
kailangan mong maglaro nang pinakamahusay.

463
00:29:22,960 --> 00:29:24,720
Pero kaya mo.

464
00:29:24,800 --> 00:29:28,680
Pero kung nasa kahon ka,
hindi pwedeng ganito ka.

465
00:29:29,680 --> 00:29:34,320
Dito, sa kahon. Anumang oras
na nasa crossing position tayo,

466
00:29:34,400 --> 00:29:38,240
gusto ko buhay ka at handang sumugod,
at atakihin ang bola.

467
00:29:38,760 --> 00:29:40,480
Kailangang tuloy-tuloy 'to.

468
00:29:41,000 --> 00:29:42,000
-Oo.
-Kaya?

469
00:29:42,080 --> 00:29:44,840
'Wag masyadong tumutok sa pagpuntos.

470
00:29:44,920 --> 00:29:47,760
Darating ka d'yan.
'Pag pwede na, gawin mo na.

471
00:29:47,840 --> 00:29:50,600
Parte ng kalikasan mo 'yon,
'wag mo alalahanin.

472
00:29:51,440 --> 00:29:56,560
Tumutok ka sa proseso,
at 'pag tinuluy-tuloy mo 'yon,

473
00:29:57,040 --> 00:30:00,520
may tiwala ka na mas
maraming papasok, wala nang problema.

474
00:30:02,240 --> 00:30:04,040
-Salamat.
-Oo, pakalusog ka.

475
00:30:04,120 --> 00:30:04,960
Oo.

476
00:30:05,560 --> 00:30:06,800
Magandang gabi.

477
00:30:10,520 --> 00:30:15,200
Si Bukayo Saka ay tapos din sa akademya at
pinakamapuntos sa club ngayong season.

478
00:30:16,280 --> 00:30:17,400
Salamat.

479
00:30:18,040 --> 00:30:22,120
Noong tag-init, may isyu kung
inabuso si Bukayo dahil sa lahi

480
00:30:22,200 --> 00:30:25,280
matapos magmintis ang penalty
niya sa European Championships.

481
00:30:25,360 --> 00:30:29,680
Matapos ang Euros, nagpadala ang
isang bata ng liham na may pera niya,

482
00:30:29,760 --> 00:30:32,920
at kinwento niya gaano siya
nalungkot para sa akin,

483
00:30:33,000 --> 00:30:37,400
sabi niya gusto niyang makalaro
ako ng football sa parke

484
00:30:37,480 --> 00:30:39,440
at kumain ng ice cream kasama ko.

485
00:30:39,840 --> 00:30:41,080
'Di ko inasahan 'yon,

486
00:30:41,160 --> 00:30:44,920
lalo na ang isang bata na ibigay sa'kin
ang pera niya, malaking bagay 'yon,

487
00:30:45,000 --> 00:30:48,120
dahil noong bata ako,
ang perang 'yon ang lahat para sa'kin.

488
00:30:48,200 --> 00:30:51,960
Naisip kong magandang pumunta
sa Emirates at sorpresahin siya.

489
00:30:57,680 --> 00:30:59,440
Gusto mo ng ice cream, Teddy?

490
00:31:04,960 --> 00:31:06,400
Tsokolate o strawberry?

491
00:31:07,040 --> 00:31:08,560
-Strawberry.
-Strawberry?

492
00:31:09,720 --> 00:31:11,480
Bakit mo sinulat ang liham?

493
00:31:12,560 --> 00:31:17,320
Dahil naging racist ang mga
tao kay Saka, binu-bully siya.

494
00:31:19,800 --> 00:31:21,760
May football ba sa paligid?

495
00:31:21,840 --> 00:31:25,000
Siguradong may football!
Gusto akong pakitaan ni Teddy.

496
00:31:27,200 --> 00:31:30,600
Ang totoo, Teddy,
salamat nang marami sa liham mo.

497
00:31:31,520 --> 00:31:33,600
Naiinis ako at napasaya ako n'on.

498
00:31:34,120 --> 00:31:36,400
Isang araw mapaparito ka
sa pitch kasama ko, tama?

499
00:31:36,480 --> 00:31:37,320
Oo.

500
00:31:37,400 --> 00:31:38,520
Ang saya, 'di ba?

501
00:31:40,040 --> 00:31:41,120
Masaya 'to.

502
00:31:47,480 --> 00:31:48,680
Mahusay na penalty, Teddy.

503
00:31:51,160 --> 00:31:52,960
Mayroon tayong batang Ben White.

504
00:31:54,720 --> 00:31:55,880
Ang galing, Teddy.

505
00:31:56,960 --> 00:31:59,280
Tingin mo makaka-top four tayo
ngayong season?

506
00:31:59,360 --> 00:32:00,360
Siguro.

507
00:32:00,440 --> 00:32:01,320
-Talaga?
-Talaga.

508
00:32:01,400 --> 00:32:02,880
-Naniniwala ka sa'min?
-Oo.

509
00:32:03,600 --> 00:32:04,800
Mabuti 'yon.

510
00:32:16,880 --> 00:32:21,560
Akala naming lahat ang tunay na tsansa
sa ikaapat ay sa susunod na season pa.

511
00:32:22,160 --> 00:32:26,280
Ang totoo, itong season 'yon,
at lumilitaw na 'di pa kami handa.

512
00:32:26,360 --> 00:32:29,040
'Di pwede matalo nang tatlong
sunud-sunod sa Premier League,

513
00:32:29,120 --> 00:32:32,720
sa Palace, Brighton, Southampton,
sa Abril, na nakaisang puntos lang,

514
00:32:32,800 --> 00:32:36,000
kung gusto mong seryosohin
bilang koponang papaangat.

515
00:32:36,160 --> 00:32:41,040
CHELSEA LABAN SA ARSENAL
STAMFORD BRIDGE STADIUM - ABRIL 20, 2022

516
00:32:47,120 --> 00:32:50,880
Desperado sa panalo ang Arsenal,
at sumusugal si Mikel.

517
00:32:51,560 --> 00:32:54,680
Kasama ni Eddie Nketiah
na nananatili sa posisyon niya,

518
00:32:54,760 --> 00:32:59,000
si Rob Holding ay pangatlong beses pa lang
magsisimula sa loob ng halos walong buwan,

519
00:32:59,080 --> 00:33:02,880
at si Mohamed Elneny ay pangalawang
beses pa lang ngayong season.

520
00:33:04,040 --> 00:33:06,720
Haharapin nila mamaya
ang kalaban sa London, ang Chelsea,

521
00:33:06,800 --> 00:33:09,080
ang kasalukuyang may hawak
ng Champions League

522
00:33:09,160 --> 00:33:10,520
at Club World Cup.

523
00:33:11,080 --> 00:33:12,720
Limitado ang koponan namin,

524
00:33:12,800 --> 00:33:16,560
nabenta si Aubameyang, nang walang
pumalit sa pagpuntos niya, hirap kami.

525
00:33:16,640 --> 00:33:20,160
May tiwala ba 'ko sa Eddie Nketiah
na kaharap ang tatlong center-back?

526
00:33:20,240 --> 00:33:24,120
Gano'n na talaga. Pero narito siya para
pabulaanan kami, kaya bakit hindi.

527
00:33:30,920 --> 00:33:32,680
May gusto akong iparamdam sa inyo,

528
00:33:32,760 --> 00:33:36,160
kaya tapos ng laro natin laban
sa Southampton, tiningnan ko kayo sa mata.

529
00:33:36,240 --> 00:33:40,240
Alam ko 'pag nagdurusa kayo
at may mahirap na tagpo.

530
00:33:40,320 --> 00:33:41,400
Ramdam ko kayo,

531
00:33:41,480 --> 00:33:44,480
kaya gusto kong maramdaman n'yo
ang tagpong nabigo kayo,

532
00:33:44,560 --> 00:33:46,560
nang madama n'yong,
"Binigo ko ang koponan,"

533
00:33:46,640 --> 00:33:49,720
o, "'Di namin nagawan ng paraan,"
at ano'ng pakiramdam n'on.

534
00:33:50,320 --> 00:33:53,920
At pagkatapos, gusto kong maramdaman
n'yo ngayon, sa dalawang oras,

535
00:33:54,000 --> 00:33:56,200
ang mararamdaman n'yo
'pag nanalo tayo rito.

536
00:33:56,280 --> 00:33:59,240
'Pag may gano'n tayong pakiramdam,
isang ginagarantiya ko,

537
00:33:59,320 --> 00:34:03,320
pumunta kayo sa pitch na 'yon,
at ibigay n'yo ang buong kaya n'yo.

538
00:34:03,400 --> 00:34:05,120
Tapusin n'yo ang laro.

539
00:34:05,200 --> 00:34:09,160
Na makakapunta kayo sa basurahan
dahil nasusuka kayo, yari kayo.

540
00:34:09,240 --> 00:34:10,480
Kailangang magdusa kayo.

541
00:34:10,560 --> 00:34:13,360
Gusto kong lumabas kayo roon at lumaban.

542
00:34:13,440 --> 00:34:16,000
'Pag may mali si Nuno o may mali ka,

543
00:34:16,080 --> 00:34:19,480
lahat sa bangko ay sasama sa inyo, tara!

544
00:34:27,600 --> 00:34:30,400
Tila ito ang pinakamahalagang
laro ng Arsenal

545
00:34:30,480 --> 00:34:32,280
sa Chelsea sa maraming taon.

546
00:34:40,440 --> 00:34:43,480
Pasulong ni Mason Mount, Alonso!

547
00:34:47,040 --> 00:34:48,520
Kinuha ulit ng Arsenal.

548
00:34:48,600 --> 00:34:51,640
Pinalayo ni Tavares,
hinuhuli ni Eddie Nketiah.

549
00:34:51,680 --> 00:34:53,840
Dapat mauna roon si Christensen.

550
00:34:54,400 --> 00:34:55,960
Pangit na back pass 'yon.

551
00:34:56,040 --> 00:34:58,000
Heto na si Eddie Nketiah.

552
00:34:58,480 --> 00:34:59,880
At si Eddie Nketiah…

553
00:35:00,080 --> 00:35:03,600
…ay nilagay ang Arsenal sa
unahan sa Stamford Bridge.

554
00:35:05,120 --> 00:35:08,120
Ang una niyang puntos sa
Premier League sa mahigit 12 buwan.

555
00:35:08,160 --> 00:35:10,760
At kaygandang oras
at lugar para makuha 'yon.

556
00:35:10,840 --> 00:35:13,400
Binigyan ni Eddie Nketiah
ang Arsenal ng magandang simula,

557
00:35:14,160 --> 00:35:16,000
pero sumagot agad ang Chelsea.

558
00:35:16,080 --> 00:35:17,080
Werner.

559
00:35:18,200 --> 00:35:21,520
Naalis ng deflection
ang bola kay Ramsdale.

560
00:35:21,640 --> 00:35:23,120
Pumantay na ang Chelsea.

561
00:35:27,160 --> 00:35:29,960
Sumusugod ulit ang Arsenal,
umuurong ang Chelsea.

562
00:35:30,040 --> 00:35:31,800
Saka, Ødegaard...

563
00:35:31,880 --> 00:35:33,640
Emile Smith Rowe!

564
00:35:33,680 --> 00:35:35,080
Oh, kagulat-gulat!

565
00:35:35,800 --> 00:35:40,160
Lumaban ulit ang Arsenal gamit si
Emile Smith Rowe at nanguna ulit.

566
00:35:41,520 --> 00:35:44,880
Pero muli, 'di mapanatili
nang higit sa limang minuto.

567
00:35:48,680 --> 00:35:51,160
Half time na at kaygandang half.

568
00:35:51,280 --> 00:35:54,400
Walang agwat, pero maraming kasiya-siya!

569
00:35:54,480 --> 00:35:57,080
Dalawa sa Chelsea, dalawa sa Arsenal.

570
00:35:59,520 --> 00:36:00,360
Mahusay.

571
00:36:01,000 --> 00:36:01,920
Tuluy-tuloy lang.

572
00:36:02,800 --> 00:36:07,360
Okay, ang nangyari sa first half
ay ang antas ng kagustuhan n'yo,

573
00:36:07,440 --> 00:36:11,000
ang ritmo, passion,
pagtatalaga ay narito, alam n'yo?

574
00:36:11,080 --> 00:36:14,200
Pupunta tayo mula
rito 'pag 'di natin hawak ang bola

575
00:36:14,320 --> 00:36:15,920
papunta rito 'pag nasa atin.

576
00:36:16,000 --> 00:36:19,800
Dahil pareho ang bilis natin,
at 'di pwedeng pareho ang bilis natin.

577
00:36:19,880 --> 00:36:24,200
Panatilihin ang antas ng pagtatalaga,
tapang, komunikasyon, at pagsagupa,

578
00:36:24,320 --> 00:36:26,520
at ang bola na may kaunti pang pagnanasa.

579
00:36:26,600 --> 00:36:27,520
Sige, mga kasama.

580
00:36:32,880 --> 00:36:36,120
Heto ulit tayo,
mas marami pa ng gayon din.

581
00:36:40,440 --> 00:36:45,080
Pinapasok ni Tavares, na kay Nketiah,
kasalubong si Silva, pasok si Nketiah!

582
00:36:45,680 --> 00:36:47,160
Ang ikalawa niya ngayong gabi.

583
00:36:47,200 --> 00:36:50,160
At nangunguna ulit ang Arsenal.

584
00:36:53,640 --> 00:36:56,280
Pinasok ni Cédric at si Saka naman.

585
00:36:56,360 --> 00:36:57,840
Hinawakan ba siya roon?

586
00:36:57,920 --> 00:36:59,160
Isang penalty!

587
00:37:09,280 --> 00:37:13,560
Si Bukayo Saka, na nagdusa matapos
ang sablay niya sa penalty

588
00:37:13,640 --> 00:37:15,200
sa Wembley noong tag-init,

589
00:37:15,320 --> 00:37:18,040
ay narito para ipanalo ang Arsenal.

590
00:37:23,680 --> 00:37:26,040
At nakuha ni Bukayo!

591
00:37:31,280 --> 00:37:35,360
Magarbong gabi para sa Arsenal.
Hindi nila ito agad-agad malilimutan.

592
00:37:35,440 --> 00:37:39,200
At ang pangarap nilang maka-Champions
League ay buhay na buhay.

593
00:37:42,160 --> 00:37:45,160
Bata at matapang,
at ngayong gabi, matalino.

594
00:37:45,200 --> 00:37:47,800
Gaya ng ginusto ni Arteta.

595
00:37:50,680 --> 00:37:52,480
Ayos!

596
00:37:56,520 --> 00:37:57,800
Mahusay kayong lahat.

597
00:38:04,840 --> 00:38:06,840
Ayos, mga kasama! Ayos!

598
00:38:17,320 --> 00:38:20,440
Mga lalake, tumayo kayo. Magsama-sama.

599
00:38:21,360 --> 00:38:22,400
B, heto.

600
00:38:28,800 --> 00:38:31,760
Paulit-ulit ako sa
nararamdaman ko sa inyo,

601
00:38:31,840 --> 00:38:35,760
at lalo na 'pag natatalo kayo,
dahil kilala ko kayo.

602
00:38:36,920 --> 00:38:39,280
Sa buhay, sa mabuting tao,
binibigay ang mabuti.

603
00:38:39,360 --> 00:38:41,560
Nketiah, ang ginawa mo buong season,

604
00:38:41,640 --> 00:38:44,320
lahat ng ginagawa mo sa mga desisyon ko,

605
00:38:44,400 --> 00:38:45,920
tingnan mo ang nangyari.

606
00:38:46,000 --> 00:38:49,080
Sa mga ganitong tagpo, may tsansa tayo,
tingnan n'yo ang nangyari.

607
00:38:49,160 --> 00:38:53,520
Elneny, Rob, lahat kayo,
ikinararangal kong maging coach,

608
00:38:53,600 --> 00:38:57,520
para maranasan ang mga taong gaya n'yo
at kung paano n'yo bantayan ang isa't isa,

609
00:38:57,600 --> 00:38:59,000
at paano n'yo bantayan ang team.

610
00:38:59,080 --> 00:39:02,920
Isang halimbawa ng propesyunal
na manlalaro, isang maalaga sa koponan.

611
00:39:03,000 --> 00:39:06,320
'Pag nangyari 'yon, inuulit ko,
mabubuting bagay ang nangyayari.

612
00:39:06,400 --> 00:39:09,440
Magpakasaya kayo, pero ngayon,
Manchester United na.

613
00:39:09,520 --> 00:39:13,520
Naging mahusay tayo, napasakamay natin
ang laro, nadala natin hanggang dulo.

614
00:39:13,600 --> 00:39:16,120
nararapat tayong magsaya,
sama-samang ikasiya ang panalo.

615
00:39:16,160 --> 00:39:18,640
Pero dapat manalo rin
tayo sa Manchester United.

616
00:39:25,640 --> 00:39:29,480
Narito si super Mik Arteta

617
00:39:29,840 --> 00:39:32,160
Pagdating sa Stamford Bridge
matapos ang tatlong talo,

618
00:39:32,280 --> 00:39:36,440
dumating kami, tumingin kami,
at nagtagumpay kami.

619
00:39:39,040 --> 00:39:42,320
Ang pagkuha ni Eddie sa
unang pagkakataon niya pa lang,

620
00:39:42,400 --> 00:39:44,560
tingin ko sa puntong 'yon nasabi ko,

621
00:39:44,640 --> 00:39:47,200
"Aba, naging Ian Wright si Eddie."

622
00:39:48,320 --> 00:39:51,200
Natutuwa ako kay Eddie,
mahirap manggaling sa koponang

623
00:39:51,320 --> 00:39:53,360
'di matino lumaro, kung ikaw ang striker,

624
00:39:53,440 --> 00:39:55,840
walang mga tsansa, at sinasabi ng mga tao,

625
00:39:55,920 --> 00:39:59,000
"'Di sapat ang ginagawa niya."
Tingin ko nangyayari na.

626
00:39:59,080 --> 00:40:01,600
Nasa kaniya ang lakas,
nasa kaniya ang sigla,

627
00:40:01,640 --> 00:40:03,000
may potensyal siya.

628
00:40:03,080 --> 00:40:08,320
Natutuwa ako sa kaniya dahil
pasensyoso siya kaysa sa kaya ko.

629
00:40:22,560 --> 00:40:23,880
Si Eddie, grabeng laro niya.

630
00:40:23,960 --> 00:40:25,160
Napakagandang laro.

631
00:40:25,200 --> 00:40:28,280
Ang tibay ng loob niya,
ang kagustuhan niya,

632
00:40:28,360 --> 00:40:32,280
na desperado kami sa striker
na kayang trumabaho

633
00:40:32,360 --> 00:40:35,040
at tingnan mo ang napala niya,
nakadalawang puntos.

634
00:40:36,360 --> 00:40:39,880
Para sa'kin, si Smith Rowe, 'yong
pagtapos niya laban sa Chelsea, husay.

635
00:40:40,480 --> 00:40:43,000
Paano niya napasok sa net
'yon nang gano'n lang?

636
00:40:43,080 --> 00:40:45,480
Alam mo ba gaanong talinong
teknikal ang kailangan?

637
00:40:45,560 --> 00:40:47,880
-'Di kinaya ni Mendy.
-'Di kinaya.

638
00:40:57,400 --> 00:41:01,280
Naalala ko nakapuntos kami noong nakaraang
season sa kanila, noong walang tao,

639
00:41:01,360 --> 00:41:03,080
kaya hindi gano'n kaganda.

640
00:41:03,880 --> 00:41:07,040
Pero ngayon maganda, pare.
Wala nang isasaya pa.

641
00:41:07,120 --> 00:41:09,640
Pati syempre si Bukayo,
nakapuntos sa penalty.

642
00:41:10,800 --> 00:41:14,040
Mahusay dahil sa kumpiyansa niya rin.
Walang katakot-takot.

643
00:41:15,080 --> 00:41:17,160
Matatag ang isip niya.

644
00:41:19,280 --> 00:41:22,920
Mabuti kaming magkaibigan,
sabay kaming lumaki sa akademya.

645
00:41:24,320 --> 00:41:27,640
Oo, lagi naming usapan 'yon, ang pag-angat

646
00:41:27,680 --> 00:41:30,960
at pagkakaroon ng pagkakataong
makalaro para sa unang koponan,

647
00:41:31,960 --> 00:41:33,920
gayon parati ang pangarap namin.

648
00:41:34,320 --> 00:41:38,760
Gusto naming maglaro at ang pangunahin
ay ang pasayahin ang lahat para sa club

649
00:41:38,840 --> 00:41:40,440
at sa lahat ng tagahanga at iba pa.

650
00:41:41,160 --> 00:41:44,160
Sinisikap naming 'di matakot
'pag dumaan na sa pitch,

651
00:41:44,280 --> 00:41:49,000
at mas masaya 'pag nakauwi kami't ang mga
tagahanga sinisigaw ang pangalan namin.

652
00:41:50,160 --> 00:41:51,160
Grabe, pare.

653
00:41:58,360 --> 00:42:00,640
NAABOT KO BA ANG PINANGAKO KO?

654
00:42:03,080 --> 00:42:04,680
Iuuwi mo ba 'to?

655
00:42:04,800 --> 00:42:07,840
Gusto nila. Paano ko 'yan
ilalagay sa maleta?

656
00:42:07,920 --> 00:42:11,840
Oo nga. Papuntang Scotland?
Baka sumakay siya sa JetTwo o Easyjet.

657
00:42:11,920 --> 00:42:16,000
Ang panalo laban sa Chelsea ay muling
nagbigay buhay sa pagkuha ng Arsenal

658
00:42:16,080 --> 00:42:17,600
para sa Champions League football.

659
00:42:17,640 --> 00:42:21,400
Mahirap sa amin ang nakaraang season nang
walang Europa League, Champions League.

660
00:42:21,480 --> 00:42:25,200
Ang pinakamahalaga ay patuloy
na gumawa, ang magsama-sama,

661
00:42:25,320 --> 00:42:28,280
at sa dulo tingnan natin
kung nasaan tayo sa talaan.

662
00:42:29,360 --> 00:42:30,680
Magandang umaga sa inyo.

663
00:42:30,800 --> 00:42:33,560
Tapos na ang lamay. Okay?

664
00:42:33,640 --> 00:42:35,160
Maging buhay na ulit kayo.

665
00:42:35,280 --> 00:42:37,320
Bigay-todo ako sa laro laban sa Chelsea.

666
00:42:37,400 --> 00:42:40,520
Natutuwa ako
'pag malalaking koponan ang kalaban.

667
00:42:40,600 --> 00:42:45,320
Tutok ka lang sa laro at tutok
sa kung paano mo sila matatalo

668
00:42:45,400 --> 00:42:47,360
at 'yon na 'yon, oo.

669
00:42:48,680 --> 00:42:53,120
Nagdidiwang ng Ramadan ngayon si Mo,
kaya 'di siya kakain tuwing may araw pa.

670
00:42:54,440 --> 00:42:56,800
-Turuan mo 'ko, Ramadan Mubarak?
-Mubarak.

671
00:42:56,880 --> 00:42:58,520
-Mubarak. 'Ayon.
-Tama.

672
00:42:58,600 --> 00:43:03,440
Si Laura, nutritionist, ay panayan magbody
scan para tiyaking makakalaro si Mo.

673
00:43:05,600 --> 00:43:08,000
Pirmi ka lang. Anim na minuto.

674
00:43:09,200 --> 00:43:11,320
Ang DEX scan ay isang X-ray machine

675
00:43:11,400 --> 00:43:15,680
at ginagamit 'to para suriin ang laman
ng katawan ng manlalaro para tiyaking

676
00:43:15,800 --> 00:43:17,920
'di sila masyadong nawawalan ng kalamnan.

677
00:43:19,360 --> 00:43:21,760
Ano'ng oras ka gumising ngayong umaga?

678
00:43:23,920 --> 00:43:25,160
Mga 4:45.

679
00:43:25,200 --> 00:43:26,320
Sige.

680
00:43:27,840 --> 00:43:29,840
Ano'ng nakain mo sa ngayon?

681
00:43:29,920 --> 00:43:31,520
Kumakain ako bago matulog.

682
00:43:32,080 --> 00:43:34,080
Mga alas-11 ako kumain.

683
00:43:34,160 --> 00:43:36,360
Kung gano'n 'di ka kumain ngayong umaga?

684
00:43:36,440 --> 00:43:37,520
-Hindi.
-Sige.

685
00:43:39,520 --> 00:43:43,640
Kaharap na ng Arsenal ang kapwa umaasa
sa Champions League na Manchester United.

686
00:43:45,520 --> 00:43:47,240
Sige. Tingnan natin.

687
00:43:47,640 --> 00:43:50,680
Medyo tumaas ang lean mass.
Bumaba nang kaunti ang taba.

688
00:43:51,760 --> 00:43:52,720
Mabuti.

689
00:43:52,800 --> 00:43:53,920
Malaking laro 'yon.

690
00:43:54,440 --> 00:43:56,320
At dahil wala si Thomas Partey,

691
00:43:56,400 --> 00:43:58,920
si Mo Elneny na naman ang aasahan.

692
00:43:59,520 --> 00:44:03,080
Tingin ko maaabot namin ang layunin namin.

693
00:44:03,160 --> 00:44:06,880
Pangako, 'pag nakita mo kami magsanay,
'pag nakita mong ihanda ni Mikel

694
00:44:06,960 --> 00:44:11,160
at tingnan ang mga manlalaro, lahat ay
gutom at nag-aagawan sa pwesto niya.

695
00:44:11,240 --> 00:44:14,360
Wala akong nakitang taong
binigay lahat, nagsipag sa trabaho,

696
00:44:14,440 --> 00:44:16,520
at wala silang gantimpala. Wala.

697
00:44:23,560 --> 00:44:28,520
ARSENAL LABAN SA MANCHESTER UNITED
EMIRATES STADIUM - ABRIL 23, 2022

698
00:44:29,880 --> 00:44:33,480
Laging hamon sa amin ang United. Lagi.

699
00:44:34,840 --> 00:44:38,760
'Di mahalaga paano natin magagawa,
basta dapat magawa natin.

700
00:44:38,840 --> 00:44:40,840
Dahil sa yugtong ito ng season,

701
00:44:40,920 --> 00:44:44,200
mahalaga ang mga puntos,
ang manalo, at ang Manchester United

702
00:44:44,280 --> 00:44:46,760
ay matanggal na, at wala na sa laro.

703
00:44:47,440 --> 00:44:49,440
'Pag natalo ng Arsenal
ang Manchester United,

704
00:44:49,520 --> 00:44:54,120
magiging imposible na para sa mga
parati nilang karibal na maka-unang apat.

705
00:44:55,760 --> 00:45:00,480
Kaso, ang hahadlang sa kanila
ay ang all-time top scorer ng laro,

706
00:45:00,960 --> 00:45:02,200
si Cristiano Ronaldo.

707
00:45:08,920 --> 00:45:10,880
Tara, mga kasama. Tara.

708
00:45:10,960 --> 00:45:15,040
Tara. Dali, lahat maghanda mula simula.

709
00:45:15,840 --> 00:45:17,760
Okay, tayo ang lahat. Tara.

710
00:45:19,680 --> 00:45:20,640
Humanda.

711
00:45:21,760 --> 00:45:22,760
Magsama-sama.

712
00:45:29,440 --> 00:45:31,320
Nung makalawa, may hiniling ako.

713
00:45:31,400 --> 00:45:34,560
Damahin n'yo bago ang laban,
'pag naroon na kayo,

714
00:45:34,640 --> 00:45:36,720
ang laro sa Stamford Bridge at ang panalo.

715
00:45:36,800 --> 00:45:39,720
Gusto ko walang takot.
Gusto ko pumaroon kayo,

716
00:45:39,800 --> 00:45:43,840
para ipanalo ang laban at ipilit ang
sarili natin sa harap ng mga tao, okay?

717
00:45:43,920 --> 00:45:45,000
Magsaya kayo!

718
00:45:45,080 --> 00:45:46,120
Tara!

719
00:46:10,160 --> 00:46:12,680
Ito dati ang pinakamahigpit na tunggalian,

720
00:46:12,760 --> 00:46:16,840
at ito na ngayon ang dalawang panig sa
laban para sa unang apat para sa karapatan

721
00:46:16,920 --> 00:46:18,960
na makabalik sa talaan
ng nangunguna sa Europa.

722
00:46:30,640 --> 00:46:32,320
Ilegal na na-foul si Saka.

723
00:46:33,040 --> 00:46:34,040
Si Ronaldo.

724
00:46:34,960 --> 00:46:37,120
Ang Arsenal ay mas mabilis, mas gutom.

725
00:46:39,160 --> 00:46:40,160
Si Saka.

726
00:46:40,240 --> 00:46:44,680
Magaling na tira. Mahusay na save!
Ang rebound ay pinasok ni Tavares.

727
00:46:45,360 --> 00:46:50,560
Naisahan ang Manchester United sa loob
ng tatlong minuto sa Emirates Stadium.

728
00:46:51,520 --> 00:46:54,360
Si Tavares sinusundan para
sa kaniyang unang puntos sa Arsenal.

729
00:46:54,440 --> 00:46:57,680
Xhaka kay Elneny,
si Elneny pinasa kay Ødegaard,

730
00:46:57,760 --> 00:46:59,400
masusubukan sila rito.

731
00:47:00,640 --> 00:47:03,160
Nabawi ni Elneny, nasa loob si Nketiah.

732
00:47:03,240 --> 00:47:06,200
Pinigil ni David de Gea. Magandang tsansa.

733
00:47:06,840 --> 00:47:11,720
Napakadali para kina Elneny at Xhaka
na kunin ang bola at simulan ang laro.

734
00:47:12,480 --> 00:47:15,160
Nabuhayan ng dugo ang Arsenal dito ngayon.

735
00:47:16,440 --> 00:47:19,240
Si Saka, sumusulong para sa Arsenal.

736
00:47:21,400 --> 00:47:24,320
Narito si Ødegaard hanap
si Saka, tumumba siya.

737
00:47:25,400 --> 00:47:26,480
Penalty 'yon.

738
00:47:33,760 --> 00:47:37,640
Naipasok ang bola, at dalawa na
ang lamang ng Arsenal.

739
00:47:42,600 --> 00:47:46,640
Ibinato ni Matić sa area,
at pinasok mula sa malayo ni Ronaldo.

740
00:47:48,800 --> 00:47:50,400
Pumito na para sa half-time.

741
00:47:50,480 --> 00:47:52,120
Dapat mag-ingat ang Arsenal.

742
00:47:52,200 --> 00:47:55,360
Kanina dalawa ang lamang sa laro,
ngayon dalawa sa isa na lang

743
00:47:55,440 --> 00:47:56,840
at nagsasayang ng tsansa.

744
00:48:02,640 --> 00:48:05,920
Nagsimula ang second half
na may parehong masilakbong sigla,

745
00:48:06,000 --> 00:48:07,360
at ang Manchester United

746
00:48:07,440 --> 00:48:10,560
ay nabigyan ng tamang pagkakataon
para maipantay ang puntos.

747
00:48:13,080 --> 00:48:15,960
Galing ba sa kamay? Oo, penalty 'yon.

748
00:48:21,640 --> 00:48:22,800
Tumama sa poste.

749
00:48:28,680 --> 00:48:31,720
Nakuha ni Elneny, binigay
kay Xhaka na tumira!

750
00:48:31,800 --> 00:48:34,280
Grabeng pasok mula kay Xhaka!

751
00:48:34,920 --> 00:48:36,880
Sa layong 25 yarda!

752
00:48:44,160 --> 00:48:48,800
Ayon na ang huling pito.
Tatlong puntos ngayon para sa Arsenal.

753
00:48:59,440 --> 00:49:00,800
Mahusay kayo.

754
00:49:00,880 --> 00:49:02,160
Ayos, mga kasama!

755
00:49:03,960 --> 00:49:04,800
Mahusay.

756
00:49:08,240 --> 00:49:10,720
Sobrang saya ko,
ipinagmamalaki namin kayong lahat.

757
00:49:10,800 --> 00:49:14,600
Ang sigla, ang pananalig n'yo,
ang pagdurusa n'yo sa mahihirap na tagpo,

758
00:49:14,680 --> 00:49:16,240
talagang 'di kapani-paniwala.

759
00:49:16,320 --> 00:49:19,160
Titigil ang puso ko isang
araw dahil sa inyo.

760
00:49:19,240 --> 00:49:22,840
Ikinararangal kong turuan kayo,
makasama kayo, gaya ng parati kong sabi.

761
00:49:22,920 --> 00:49:26,680
Elneny, kung mayroon ditong walang sigla,
ikaw ang magbigay ng sigla.

762
00:49:26,760 --> 00:49:28,760
Kaya kailangan natin ang lahat.

763
00:49:28,840 --> 00:49:32,120
Kaya ngayon, magpakasaya kayo
ngayong gabi, kung gusto n'yo,

764
00:49:32,200 --> 00:49:34,200
tapos West Ham naman, ang kasunod,

765
00:49:34,280 --> 00:49:37,360
nasa karera tayo at
talagang gagalingan natin.

766
00:49:37,440 --> 00:49:41,400
Kaya kailangan namin kayo, lahat kayo,
at 'pag sinabing lahat ay bawat isa

767
00:49:41,480 --> 00:49:45,760
na humihila at nag-aambag at tumutulak sa
bangka hanggang sa makakaya. Okay. Tara.

768
00:49:54,840 --> 00:49:55,920
Mahusay.

769
00:49:59,160 --> 00:50:02,840
Nakikita mo ba ang dulo nitong season
na magiging mahigpit ang laban n'yo

770
00:50:02,920 --> 00:50:06,080
sa North London derby para
makatungtong sa unang apat?

771
00:50:06,160 --> 00:50:09,640
Syempre. Mahalaga ang banggaan na 'yon.

772
00:50:09,720 --> 00:50:11,280
Talagang ikasisiya n'yo?

773
00:50:11,360 --> 00:50:14,320
Kaya kami narito.
Para maglaro ng mabibigat,

774
00:50:14,400 --> 00:50:18,040
mga larong maglalarawan ng
malalaking tagpo, at 'yon ang ganda nito.

775
00:50:19,680 --> 00:50:21,760
SUSUNOD

776
00:50:21,840 --> 00:50:24,600
Balak naming makalaro sa
Champions League sa susunod na season.

777
00:50:24,680 --> 00:50:27,120
May apat na laro tayo, apat na laro pa.

778
00:50:27,200 --> 00:50:29,560
'Di tayo talo,
gagawa tayo ng paraan at mananalo!

779
00:50:30,560 --> 00:50:32,440
Sa dulo ay tayo laban sa Tottenham.

780
00:50:33,720 --> 00:50:36,840
Napakalaking London Derby na maaalala ko.

781
00:50:37,800 --> 00:50:39,280
Ang gantimpala ay ang kinabukasan.

782
00:50:40,560 --> 00:50:45,200
At 'yon ang pula, at sampu na
lang ang tao sa Arsenal.

783
00:50:45,280 --> 00:50:47,080
Maraming nangyari
sa mga buwang lumipas,

784
00:50:47,160 --> 00:50:50,080
para makuha ang pwesto namin ngayon,
kaya galingan natin.

785
00:50:52,720 --> 00:50:55,800
'Pag gusto mong may makamit,
kailangan mong magdusa.

786
00:50:55,880 --> 00:50:59,480
Sa ngayon puro sila,
at kailangan nating buksan ang liwanag.

787
00:50:59,560 --> 00:51:01,960
Mga kasama, baligtarin natin ito.

788
00:51:55,520 --> 00:51:58,200
ISANG PASASALAMAT SA MANLALARO, MGA COACH,
AT STAFF NG ARSENAL FOOTBALL CLUB

789
00:52:01,600 --> 00:52:03,600
Mapanlikhang Superbisor
Maribeth Pierce

