﻿1
00:00:05,381 --> 00:00:06,757
Tara, Earving.

2
00:00:06,841 --> 00:00:10,261
May ipapakita kami sa'yo.

3
00:00:20,771 --> 00:00:21,731
Lintik!

4
00:00:21,814 --> 00:00:22,898
ANG NAKARAAN

5
00:00:22,982 --> 00:00:25,443
Sina Butcher at Soldier Boy. Nasaan sila?

6
00:00:27,862 --> 00:00:29,655
Ba't ko kailangang gawin ang tama?

7
00:00:29,739 --> 00:00:32,158
MM, marami pang papatayin si Soldier Boy.

8
00:00:32,491 --> 00:00:35,244
-'Di ako ang nakaisip!
-Alam ko. Si Noir.

9
00:00:35,327 --> 00:00:38,748
-Ano 'to?
-Bagay na matagal na dapat naming ginawa.

10
00:00:38,831 --> 00:00:39,749
Hindi!

11
00:00:39,832 --> 00:00:41,542
Ba't nakasimangot ka?

12
00:00:41,625 --> 00:00:44,253
Ikaw si Homelander. Umayos ka.

13
00:00:44,336 --> 00:00:47,673
Pakikipagtransaksyon lang
ang iminumungkahi ko.

14
00:00:47,757 --> 00:00:51,051
Nasa'n si Ryan? Mahahanap ko rin siya.

15
00:00:51,135 --> 00:00:52,428
Galit ako sa'yo.

16
00:00:52,511 --> 00:00:54,013
Handa ka na, mon coeur?

17
00:00:56,307 --> 00:00:58,184
Papatayin kayo ng Temp V.

18
00:00:58,267 --> 00:00:59,226
Diyos ko.

19
00:00:59,310 --> 00:01:00,686
Galing ako sa lab.

20
00:01:00,770 --> 00:01:02,938
Magiging Swiss cheese ang utak n'yo.

21
00:01:04,023 --> 00:01:05,357
Sabihin mo kay Hughie.

22
00:01:05,441 --> 00:01:08,360
-Ayos lang ba ang lahat?
-Ikaw, ako, at 'yong mahilig sa gurang,

23
00:01:08,444 --> 00:01:10,196
tatapusin na natin 'to.

24
00:01:10,279 --> 00:01:12,573
-Ikaw talaga 'to?
-Dapat tayong mag-usap.

25
00:01:12,656 --> 00:01:14,366
Gumawa ng bata si Vogelbaum.

26
00:01:14,450 --> 00:01:17,495
Alam mo, hinayaan sana kitang sumikat.

27
00:01:17,578 --> 00:01:20,498
Sinong tatay ang may ayaw no'n
para sa anak niya?

28
00:01:35,012 --> 00:01:37,640
Alam kong bibilis din ang bato mo.

29
00:01:38,516 --> 00:01:39,642
Lumayo ka sa kanya.

30
00:01:39,725 --> 00:01:42,520
Ayos lang. Wala ko rito
para manggulo o manakit.

31
00:01:42,853 --> 00:01:44,396
Gusto ko lang makita ang anak ko.

32
00:01:45,105 --> 00:01:47,858
Nahirapan akong hanapin ka, anak.

33
00:01:50,444 --> 00:01:53,823
Nagpatulong pa ako sa bigatin at
mahalagang Congresswoman.

34
00:01:55,407 --> 00:01:57,076
Maayos ba ang trato niya sa'yo?

35
00:01:57,701 --> 00:01:58,619
Si Tita Grace?

36
00:02:00,037 --> 00:02:02,331
-Oo, mabait siya.
-"Tita Grace."

37
00:02:03,582 --> 00:02:04,625
Sige.

38
00:02:07,044 --> 00:02:10,589
Baka mabait nga siya, Ryan,
pero 'di mo siya tiyahin.

39
00:02:11,257 --> 00:02:13,175
'Di mo nga siya totoong kamag-anak.

40
00:02:13,676 --> 00:02:17,972
Naririnig ko 'yang mga daliri mong
pumipindot-pindot d'yan sa screen.

41
00:02:18,055 --> 00:02:19,265
Bitawan mo na 'yan.

42
00:02:26,730 --> 00:02:27,815
Makinig ka, Ryan...

43
00:02:29,567 --> 00:02:32,236
ang nanay mo, gusto niya ang pinakamabuti
para sa'yo.

44
00:02:32,319 --> 00:02:33,654
At ako rin.

45
00:02:33,737 --> 00:02:35,906
May totoong pamilya ka.

46
00:02:37,616 --> 00:02:39,118
Pero 'di ka ba galit sa'kin?

47
00:02:41,537 --> 00:02:42,663
Sa ginawa ko.

48
00:02:44,123 --> 00:02:46,333
Alam mong 'di mo 'yon kasalanan, 'di ba?

49
00:02:52,214 --> 00:02:56,302
Anak, 'pag ganito ka kalakas,

50
00:02:56,385 --> 00:02:57,803
nagkakaroon ng mga aksidente.

51
00:02:58,262 --> 00:03:00,264
May mga nasisira at kung minsan,

52
00:03:01,015 --> 00:03:03,976
ang mga bagay na 'yon
ang mga pinakamamahal mo.

53
00:03:04,059 --> 00:03:05,728
Pero 'yon lang 'yon.

54
00:03:06,562 --> 00:03:10,357
Aksidente. At walang tao sa mundong ito
ang mas nakakaalam no'n kaysa sa'kin.

55
00:03:11,775 --> 00:03:12,651
Wala.

56
00:03:14,904 --> 00:03:17,114
Kaya lagi kitang mamahalin.

57
00:03:18,282 --> 00:03:21,827
Kahit ano'ng mangyari,
kahit ano'ng gawin mo.

58
00:03:24,079 --> 00:03:26,832
'Di ako aalis, lagi akong nandito.

59
00:03:38,177 --> 00:03:41,889
Inamin ni Homelander sa video
na ikinulong niya si Maeve.

60
00:03:41,972 --> 00:03:43,098
Kalokohan!

61
00:03:45,809 --> 00:03:47,728
Napakagandang balita.

62
00:03:47,811 --> 00:03:51,857
Balita namin, may search warrant
ang opisina ng Attorney General,

63
00:03:51,941 --> 00:03:55,235
at papunta na sila rito
para pakawalan si Maeve.

64
00:03:55,319 --> 00:03:57,154
Pakawalan si Maeve! Pakawalan si Maeve!

65
00:03:57,237 --> 00:03:59,490
Sinungaling si Starlight,
namamatay ang mga bata!

66
00:03:59,573 --> 00:04:02,117
Sinungaling si Starlight,
namamatay ang mga bata!

67
00:04:02,201 --> 00:04:04,286
Sinungaling si Starlight,
namamatay ang mga bata!

68
00:04:04,370 --> 00:04:06,330
Dapat hinintay natin si Homelander.

69
00:04:06,413 --> 00:04:08,082
Ewan ko kung nasaan siya. Ikaw ba?

70
00:04:08,165 --> 00:04:11,794
Ang Attorney General, papansin
na mahilig magpa-interview kay Don Lemon.

71
00:04:11,877 --> 00:04:16,173
At papunta na siya rito ngayon
na may search warrant para hanapin siya.

72
00:04:26,183 --> 00:04:27,351
Pasensya na.

73
00:04:47,204 --> 00:04:48,622
Nasaan si Soldier Boy?

74
00:04:50,582 --> 00:04:53,419
Mula no'ng sinabi niyang
papatayin niya ang anak niya?

75
00:04:53,502 --> 00:04:55,379
Nagkulong siya sa banyo.

76
00:04:55,462 --> 00:04:58,966
-May dalang bote ng Old Grand-Dad.
-'Di niya anak si Homelander.

77
00:04:59,049 --> 00:05:00,175
At alam niya 'yon.

78
00:05:02,886 --> 00:05:04,596
Sige, tara na?

79
00:05:05,139 --> 00:05:07,474
Dadaan tayo sa opisina para kumuha ng V.

80
00:05:07,558 --> 00:05:10,602
Tapos, dadalhin tayo ni Hughie
kung nasaan ang mga gago.

81
00:05:10,686 --> 00:05:13,731
Itutumba natin sina Noir at Homelander.

82
00:05:15,524 --> 00:05:16,692
At tapos na tayo.

83
00:05:17,026 --> 00:05:18,027
'Di ba?

84
00:06:01,361 --> 00:06:02,696
May dala ako para sa'yo.

85
00:06:09,286 --> 00:06:10,871
-Voilà.
-Ano 'yan?

86
00:06:12,915 --> 00:06:13,832
Ito na 'yon.

87
00:06:13,916 --> 00:06:17,086
Halaga ng tatlong Bugatti
ng pera ni Starlight, pero...

88
00:06:19,338 --> 00:06:20,881
Isang dose ng Novichok.

89
00:06:20,964 --> 00:06:22,674
Ang panlaban natin kay Soldier Boy.

90
00:06:22,758 --> 00:06:25,427
Ang nag-iisang dose sa Eastern Seaboard.

91
00:06:25,511 --> 00:06:28,555
Inilagay mo
ang pinaka nakamamatay na nerve agent

92
00:06:29,473 --> 00:06:31,600
sa $10 na bote ng Wish ni Starlight.

93
00:06:31,683 --> 00:06:33,644
Naging mas mabango.

94
00:06:36,313 --> 00:06:37,231
Mabuti.

95
00:06:43,487 --> 00:06:45,948
Napikon ka at may sinapak kang lalaki?

96
00:06:46,532 --> 00:06:47,741
Wala 'to.

97
00:06:47,825 --> 00:06:50,452
Minsan, may pinutulan ako ng tainga
dahil ang daldal niya

98
00:06:50,536 --> 00:06:52,246
sa screening ng 27 Dresses.

99
00:06:52,329 --> 00:06:55,124
Frenchie, ang punto ko lang,

100
00:06:55,207 --> 00:06:57,626
ilayo ang kalokohan ko

101
00:06:58,460 --> 00:06:59,545
kay Janine.

102
00:07:00,212 --> 00:07:02,673
'Di ako nakapagpigil sandali,

103
00:07:02,756 --> 00:07:04,591
at habambuhay niya,

104
00:07:05,509 --> 00:07:09,805
makikita niya ang tatay niyang
ginugulpi ang madrasto niya.

105
00:07:10,097 --> 00:07:11,849
Kailangan kong magkontrol ng sarili.

106
00:07:12,599 --> 00:07:13,809
Kailangan kong magpakatatag.

107
00:07:13,892 --> 00:07:15,853
"Sa lahat ng paghihirap ng tao,

108
00:07:15,936 --> 00:07:17,896
"ang pinakamahirap ay,

109
00:07:17,980 --> 00:07:21,316
-"'pag marami kang alam..."
-"at kaunti lang ang kontrolado mo."

110
00:07:21,400 --> 00:07:22,860
Nakapagbasa naman ako ng libro.

111
00:07:22,943 --> 00:07:25,529
'Di mo puwedeng itago ang katotohanan
sa anak mo

112
00:07:25,612 --> 00:07:28,407
na isa kang...

113
00:07:30,409 --> 00:07:32,161
wasak at problemadong tao.

114
00:07:34,913 --> 00:07:38,083
Ako rin. Tayong lahat naman, 'di ba?

115
00:07:38,167 --> 00:07:41,420
Pero ikaw rin siguro
ang pinakamabuting lalaking nakilala ko.

116
00:07:43,797 --> 00:07:45,632
Hayaan mong makita lahat ni Janine.

117
00:07:50,971 --> 00:07:53,140
Uminom ka na ulit ng Lexapro.

118
00:07:54,725 --> 00:07:58,478
Ang mga nakakabiglang pag-amin
ni Homelander sa Instagram ni Starlight,

119
00:07:58,562 --> 00:08:00,731
humantong sa pinakamalaking pagbaba
sa isang araw

120
00:08:00,814 --> 00:08:03,233
sa kasaysayan ng stock
ng Vought International.

121
00:08:03,317 --> 00:08:06,028
Nandito ka pala. Nasaan ka?

122
00:08:07,237 --> 00:08:08,113
Ano'ng kailangan mo?

123
00:08:08,197 --> 00:08:09,865
-Halika, Deep.
-Naglalakad ako.

124
00:08:10,991 --> 00:08:11,992
Kasi...

125
00:08:13,243 --> 00:08:14,620
Habang wala ka,

126
00:08:15,704 --> 00:08:18,957
inalis namin ni Deep si Maeve sa tower.

127
00:08:19,041 --> 00:08:21,251
-Ikaw ang nakaisip. Wala ako.
-Nando'n ka.

128
00:08:35,891 --> 00:08:37,517
-Wala kaming opsyon.
-Sige.

129
00:08:37,601 --> 00:08:40,103
-May search warrant.
-Gusto kong maghintay.

130
00:08:40,187 --> 00:08:42,189
-Nagpumilit siya.
-Tumahimik ka nga?

131
00:08:42,272 --> 00:08:43,607
Nasaan na si Maeve?

132
00:08:46,777 --> 00:08:48,487
Uy, Noir.

133
00:08:48,570 --> 00:08:49,613
'Tol...

134
00:08:54,701 --> 00:08:56,453
Aalis na kami.

135
00:08:56,536 --> 00:08:59,164
Oo. Usap tayo mamaya.

136
00:09:04,711 --> 00:09:07,673
DARATING SI SOLDIER BOY
PAPATAYIN NATIN SIYA

137
00:09:22,437 --> 00:09:25,065
Patayin natin si Soldier Boy!

138
00:09:34,449 --> 00:09:36,034
Alam kong babalik ka.

139
00:09:51,800 --> 00:09:52,801
Uy.

140
00:09:56,888 --> 00:10:00,100
Kamukha mo talaga
ang nakababata kong kapatid.

141
00:10:00,851 --> 00:10:01,685
Ano?

142
00:10:09,192 --> 00:10:14,573
Nagbabagang balita,
tapos niya sa sikretong misyon...

143
00:10:15,657 --> 00:10:16,825
Heto na siya.

144
00:10:17,117 --> 00:10:19,995
-Nasaan ang gago?
-Tama ka sa kanya.

145
00:10:20,078 --> 00:10:22,039
Nagkakarga ako ng gasolina roon,

146
00:10:22,122 --> 00:10:24,166
pagtalikod ko, tumakbo na ang gago.

147
00:10:24,249 --> 00:10:28,003
-Kailangan siya para makalapit kay Noir.
-'Wag mong alalahanin 'yon.

148
00:10:28,086 --> 00:10:29,588
Napagplanuhan ko na.

149
00:10:35,969 --> 00:10:38,055
Gisingin n'yo 'ko pagdating sa New York.

150
00:10:46,772 --> 00:10:49,941
Maganda ang simula niya,
hindi siya nakikita.

151
00:10:50,025 --> 00:10:53,653
Hindi magandang simula kay...
Nahuhuli na siya at dumarating si...

152
00:10:53,737 --> 00:10:54,988
Kailangan mo ng tulong?

153
00:10:59,409 --> 00:11:01,453
Mas kailangan ko ng binti.

154
00:11:06,792 --> 00:11:09,294
-Ano'ng nangyari sa'yo?
-'Di ka maniniwala.

155
00:11:09,378 --> 00:11:12,964
Pero binigyan nila ako ng bagong puso.
Makakatakbo na ulit ako.

156
00:11:16,301 --> 00:11:18,804
Ang mga karera at endorsement.

157
00:11:20,889 --> 00:11:22,766
Mababawi ko na lahat.

158
00:11:28,438 --> 00:11:30,607
Pero walang kuwenta 'yon kung wala ka.

159
00:11:31,691 --> 00:11:32,609
Kailangan kita.

160
00:11:33,527 --> 00:11:34,528
I-coach mo ako.

161
00:11:34,611 --> 00:11:37,197
Makakasama mo pa rin ang mga bata
at ang eskwelahan.

162
00:11:37,280 --> 00:11:39,866
Sapat ang kikitain mo
para maayos ang lugar.

163
00:11:43,870 --> 00:11:45,831
Patawad talaga, Nate.

164
00:11:46,373 --> 00:11:49,418
Buong buhay ko akong babawi sa'yo.

165
00:11:52,587 --> 00:11:54,172
Pinatay mo ba si Blue Hawk?

166
00:11:54,256 --> 00:11:55,090
Ha?

167
00:11:57,175 --> 00:12:00,178
Hindi, si Soldier Boy 'yon.

168
00:12:03,932 --> 00:12:05,725
-Ginawa mo nga.
-Hindi. Nate...

169
00:12:05,809 --> 00:12:06,893
'Di ko 'yon ginusto.

170
00:12:06,977 --> 00:12:09,980
Gusto kong makita ng mga anak ko
ang mugshot niya sa TV.

171
00:12:10,063 --> 00:12:12,065
At ngayon... Lintik!

172
00:12:12,149 --> 00:12:13,066
Pinigilan ko siya.

173
00:12:15,360 --> 00:12:17,988
-Para sa'yo.
-'Wag mong sabihing para sa'kin 'yon.

174
00:12:18,405 --> 00:12:20,824
Puro sarili mo lang ang iniintindi mo.

175
00:12:20,907 --> 00:12:23,201
-Patawad. Itutuwid ko.
-Paano?

176
00:12:23,285 --> 00:12:25,287
Sa tuwing sinusubukan mo, pinapalala mo.

177
00:12:27,998 --> 00:12:29,916
Reggie. Umalis ka na lang, 'tol.

178
00:12:30,000 --> 00:12:31,585
Umalis ka na. Ha?

179
00:12:31,668 --> 00:12:36,298
Magbenta ka ng mga menthol vape
at fast cash shop mo at kung ano-ano pa.

180
00:12:36,381 --> 00:12:38,175
Pero lubayan mo na lang ko.

181
00:12:38,258 --> 00:12:40,886
Uy. Ano ba naman, 'tol?

182
00:12:40,969 --> 00:12:43,889
Sabi ko, umalis ka sa pamamahay ko!

183
00:12:43,972 --> 00:12:47,309
Ayokong makasama ng mga anak ko
ang isang mamamatay-tao.

184
00:12:47,392 --> 00:12:49,269
Lintik! Nate, patawad. Halika.

185
00:12:49,352 --> 00:12:50,604
'Wag mo 'kong hawakan!

186
00:12:52,355 --> 00:12:53,940
'Wag ka nang babalik dito.

187
00:13:22,385 --> 00:13:23,887
Salamat sa pagsundo sa'kin.

188
00:13:24,596 --> 00:13:27,516
Sigurado ka bang ayaw mo 'kong murahin?

189
00:13:27,599 --> 00:13:29,059
Wala akong sasabihin.

190
00:13:29,392 --> 00:13:32,604
Kasi kung gusto mo 'yong gawin,
puwede naman.

191
00:13:36,358 --> 00:13:37,400
Ano'ng nangyari?

192
00:13:38,401 --> 00:13:41,238
Si Butcher.
Bigla na lang niya akong sinapak.

193
00:13:41,321 --> 00:13:42,531
Sinabi ba niya sa'yo?

194
00:13:44,074 --> 00:13:44,991
Ang ano?

195
00:13:45,909 --> 00:13:47,827
Na nakakamatay ang Temp V.

196
00:13:49,120 --> 00:13:52,499
Kung magtuturok ka pa,
baka mamatay ka na ngayon.

197
00:13:52,582 --> 00:13:54,751
Diyos ko! 'Di niya sinabi sa'yo.

198
00:13:54,834 --> 00:13:56,503
-Ang gago...
-Iniligtas niya ako.

199
00:13:57,420 --> 00:13:58,463
Iniligtas ka niya?

200
00:13:58,547 --> 00:14:03,093
-Mukhang inalog niya ang utak mo.
-Pinigilan niya akong magturok pa ng V.

201
00:14:06,513 --> 00:14:08,848
Nakatikim ka na ba ng pizza roll?

202
00:14:11,142 --> 00:14:15,188
'Yong pizza rolls na pang-sleepover.

203
00:14:15,272 --> 00:14:17,440
Oo, pakyawan bumili si Papa.

204
00:14:17,899 --> 00:14:18,900
Pagkaalis ni Mama.

205
00:14:19,359 --> 00:14:21,861
Gabi-gabi kaming kumakain ng pizza rolls,

206
00:14:21,945 --> 00:14:23,738
nanonood ng Remington Steele.

207
00:14:23,822 --> 00:14:26,074
Iniiwasan niyang galawin
ang puwesto niya sa sofa.

208
00:14:26,157 --> 00:14:29,244
At 'di niya siya ipinaglaban kahit kailan.

209
00:14:29,327 --> 00:14:32,038
Umupo lang siya at kumain ng pizza rolls.

210
00:14:32,539 --> 00:14:37,252
Inisip ko lang na
malungkot at mahina siya,

211
00:14:37,335 --> 00:14:39,129
na talunan siya.

212
00:14:40,130 --> 00:14:43,008
Alam mo, kasama ko si Papa.

213
00:14:44,134 --> 00:14:47,178
Inalagaan niya ako
sa pinakamasasamang araw ng buhay niya.

214
00:14:47,262 --> 00:14:49,306
Sinigurado niya na magpapatuloy kami...

215
00:14:50,140 --> 00:14:51,850
at may matitirhan kami.

216
00:14:54,728 --> 00:14:55,895
'Di siya mahina.

217
00:14:58,607 --> 00:15:01,901
'Di ko lang alam kung ano ang lakas.

218
00:15:04,988 --> 00:15:06,906
Annie, patawad.

219
00:15:08,116 --> 00:15:09,367
Ang tarantado ko.

220
00:15:09,451 --> 00:15:13,455
'Di ko dapat isinisi sa'yo
ang kahit ano rito.

221
00:15:16,958 --> 00:15:18,585
Salamat sa pagsasabi no'n.

222
00:15:22,339 --> 00:15:25,759
Lahat ng parte ng utak mo,
sumisigaw ng "sinabi ko na sa'yo,"

223
00:15:25,842 --> 00:15:27,719
sabihin mo na bago sumabog ang ulo mo.

224
00:15:27,802 --> 00:15:30,639
Diyos ko, sinabi ko na kasi sa'yo.

225
00:15:31,389 --> 00:15:34,726
-Masarap sa pakiramdam na mailabas?
-Sobrang sarap. Diyos ko.

226
00:15:37,854 --> 00:15:38,772
Hello.

227
00:15:40,065 --> 00:15:41,900
Diyos ko, nasaan ka?

228
00:15:43,360 --> 00:15:45,528
'Wag kang mahihiya,
gawin mo lang gusto mo.

229
00:15:46,071 --> 00:15:47,989
Parating na rin si Annie.

230
00:15:53,912 --> 00:15:54,913
Uy.

231
00:15:56,164 --> 00:15:59,459
Uy, Maeve. Natutuwa akong makita ka ulit.
Masaya akong ayos ka lang.

232
00:15:59,542 --> 00:16:03,505
Para kang may suot na karatulang
"Tirahin mo ako, magpapaubaya ako."

233
00:16:03,588 --> 00:16:06,216
-Hahayaan ko kayong magkumustahan.
-Ako rin.

234
00:16:09,594 --> 00:16:10,970
Nasaan ka?

235
00:16:11,638 --> 00:16:15,433
Mga 12 palapag sa ibaba mo sa Tower
no'ng umpisa pa lang.

236
00:16:15,642 --> 00:16:16,976
Paano ka nakalabas?

237
00:16:17,060 --> 00:16:18,812
Sa hashtag mong palayain si Maeve,

238
00:16:18,895 --> 00:16:22,565
kinulit ng bawat LGB teen sa buong mundo
ang Vought.

239
00:16:24,359 --> 00:16:25,694
Binigyan mo 'ko ng tsansa.

240
00:16:26,903 --> 00:16:28,905
Alam mo kung ano'ng mas maganda pa sana?

241
00:16:28,988 --> 00:16:32,784
-Kung ikaw mismo ang nagtakas sa'kin.
-Mas mahirap siguro 'yon.

242
00:16:39,999 --> 00:16:41,167
Ang sakit, ha!

243
00:16:41,251 --> 00:16:44,879
Nagpapakalunod ka r'yan

244
00:16:44,963 --> 00:16:45,964
mula no'ng nangyari kay Little Nina.

245
00:16:46,047 --> 00:16:47,132
Tapos na 'ko.

246
00:16:47,215 --> 00:16:49,300
'Di pa tayo tapos, gago.

247
00:16:49,384 --> 00:16:50,218
Oo nga.

248
00:16:50,301 --> 00:16:52,470
Gago!

249
00:16:52,554 --> 00:16:53,805
Tama si Little Nina.

250
00:16:53,888 --> 00:16:55,890
Tinalian ako sa leeg ng tatay ko

251
00:16:55,974 --> 00:16:59,227
at ang nagbabago lang
ay kung sino ang may hawak ng kabila.

252
00:17:05,483 --> 00:17:10,655
'Di tinutukoy ng nakaraan
ang pagkatao natin.

253
00:17:10,739 --> 00:17:13,950
Akala ko, habambuhay akong wasak.

254
00:17:14,659 --> 00:17:19,664
Pero may nakita ka sa'kin.

255
00:17:23,877 --> 00:17:26,546
Nakikita ko sa'yo.

256
00:17:28,840 --> 00:17:29,883
Ano'ng nakikita mo?

257
00:17:30,341 --> 00:17:34,262
Nakikita ko si mon coeur.

258
00:17:37,599 --> 00:17:41,811
-Ano ni Homelander si Soldier Boy?
-Tatay siya ni Homelander.

259
00:17:41,895 --> 00:17:43,396
Sa dugo.

260
00:17:43,480 --> 00:17:47,358
'Pag pinagsama sila sa isang kuwarto,
ano sila, magbubugbugan o magyayakapan?

261
00:17:47,442 --> 00:17:50,737
'Di natin alam. Kakaiba si Soldier Boy.
Pero si Butcher...

262
00:17:50,820 --> 00:17:53,698
Kung may tsansang mapapatumba
ni Butcher si Homelander,

263
00:17:53,782 --> 00:17:54,783
gagawin niya 'yon.

264
00:17:54,866 --> 00:17:56,785
Wala akong pakialam sa utos sa inyo.

265
00:17:56,868 --> 00:18:01,664
Ako si Starlight, at sinasabi ko sa inyo,
kailangan n'yo nang umalis sa Tower.

266
00:18:01,748 --> 00:18:05,251
Kasi buhay si Soldier Boy
at totoo siya at...

267
00:18:05,335 --> 00:18:07,295
Gago, tanga.

268
00:18:08,463 --> 00:18:09,672
Lintik!

269
00:18:09,756 --> 00:18:13,092
May ilang libong tao sa gusaling 'yon.

270
00:18:13,176 --> 00:18:17,138
Kung gagawin niya 'yong sa Herogasm,
pababagsakin niya ang buong lugar na 'yon.

271
00:18:17,222 --> 00:18:21,100
Eh 'di pabagsakin natin si Soldier Boy
bago pa niya makita si Homelander.

272
00:18:21,184 --> 00:18:22,852
At iligtas natin si Butcher.

273
00:18:24,604 --> 00:18:26,856
Ginago n'yo kami.

274
00:18:26,940 --> 00:18:29,651
Tapos, ngayon,
gusto mong magpaka-Mother Teresa?

275
00:18:29,734 --> 00:18:30,735
Alam ko.

276
00:18:30,819 --> 00:18:32,320
-Patawad.
-Hughie...

277
00:18:32,403 --> 00:18:35,114
-'Di na kayang iligtas ang iba.
-Ayaw niyang mailigtas.

278
00:18:35,198 --> 00:18:37,283
Kinaladkad niya sana ako, pero hindi.

279
00:18:37,367 --> 00:18:39,160
May kabutihan pa rin.

280
00:18:39,244 --> 00:18:40,912
Sa pinaka...

281
00:18:42,914 --> 00:18:45,375
-ibuturan.
-Sagad na sagad.

282
00:18:46,417 --> 00:18:47,794
Siguro.

283
00:18:48,169 --> 00:18:49,504
Kumusta, Petit Hughie?

284
00:18:49,587 --> 00:18:50,922
Ililigtas natin ang lahat.

285
00:18:51,589 --> 00:18:53,258
Kahit 'di sila karapat-dapat.

286
00:18:53,341 --> 00:18:56,010
Lalo na kung 'di sila karapat-dapat.

287
00:19:05,436 --> 00:19:06,646
Naalala ko tuloy.

288
00:19:08,439 --> 00:19:11,568
Pumupuslit kami ng Manhattans ng tatay ko
no'ng bata pa ako.

289
00:19:11,651 --> 00:19:13,903
'Di ko kailangang
magnakaw sa tatay ko noon.

290
00:19:13,987 --> 00:19:17,824
Binibigyan niya lang kami dati ng beer
ng kapatid ko.

291
00:19:18,283 --> 00:19:20,952
Aaminin ko, parang nakakatawa nga 'yon.

292
00:19:22,161 --> 00:19:24,581
-Buhay pa ang tatay mo?
-May cancer sa puwit.

293
00:19:25,415 --> 00:19:28,126
Baka idinudumi na niya ngayon
ang lamang-loob niya.

294
00:19:32,589 --> 00:19:34,841
Napanood mo na ba 'yong
The Soldier Boy Story?

295
00:19:34,924 --> 00:19:37,010
-Baka 'di ko naabutan.
-Classic 'yon.

296
00:19:37,093 --> 00:19:40,555
Natalo kami ng An American in Paris
sa Best Picture noong taong 'yon,

297
00:19:41,139 --> 00:19:44,392
pero buti natira ko sa puwit si Jane Wyman
sa coat check.

298
00:19:45,268 --> 00:19:48,229
Tungkol sa batang mahirap
mula sa mga kalye ng South Philly,

299
00:19:49,063 --> 00:19:54,152
nadiskubre niyang may kapangyarihan siyang
katugma ng ginintuan niyang puso.

300
00:19:56,112 --> 00:19:57,405
Puro kalokohan.

301
00:19:58,239 --> 00:19:59,574
Talaga ba?

302
00:19:59,657 --> 00:20:03,077
Ang totoo, pag-aari ng ama ko kalahati
ng mga pagawaan ng bakal sa estado.

303
00:20:03,161 --> 00:20:04,621
Nag-boarding school ako,

304
00:20:05,496 --> 00:20:09,876
pinatalsik ako sa boarding school
kasi pasaway ako,

305
00:20:11,586 --> 00:20:13,421
pero sinigurado niyang alam ko.

306
00:20:13,504 --> 00:20:15,173
Gumamit ba siya ng sinturon?

307
00:20:15,256 --> 00:20:18,217
'Di niya ako pinagbuhatan ng kamay.
'Di siya nag-abala.

308
00:20:20,219 --> 00:20:22,096
Sabi niya, nakakadismaya raw ako.

309
00:20:23,806 --> 00:20:25,934
'Di ako karapat-dapat sa pangalan niya.

310
00:20:28,394 --> 00:20:31,606
Kaya lumappit ako sa mga ka-golf niyang
nasa War Department

311
00:20:31,689 --> 00:20:35,068
at ipinasok nila ako
sa mga trial ng Compound V ni Dr. Vought.

312
00:20:35,151 --> 00:20:36,861
Naging superhero ako.

313
00:20:36,945 --> 00:20:38,154
Ang pinakamalakas na tao,

314
00:20:38,237 --> 00:20:40,698
may parada no'ng umuwi ako.

315
00:20:40,782 --> 00:20:42,450
Ano'ng sabi ng tatay mo no'n?

316
00:20:48,539 --> 00:20:50,458
Sabi niya, nag-shortcut ako.

317
00:20:54,879 --> 00:20:57,799
Na ang totoong lalaki, 'di mandaraya.

318
00:21:07,725 --> 00:21:10,937
-Ikaw? May mga anak ka?
-Kumplikado.

319
00:21:11,479 --> 00:21:13,856
Noon pa, iniisip ko
na may ilan akong anak.

320
00:21:14,607 --> 00:21:15,692
Kung saan.

321
00:21:18,736 --> 00:21:19,988
Gusto ko no'n, noon pa.

322
00:21:22,198 --> 00:21:25,660
Kasi naisip ko, magiging mas magaling ako
kaysa sa tatay ko.

323
00:21:25,743 --> 00:21:27,286
'Di mo anak si Homelander.

324
00:21:27,954 --> 00:21:29,080
Hindi talaga.

325
00:21:29,163 --> 00:21:32,000
-Siya na lang ang kamag-anak ko.
-'Di na mahalaga.

326
00:21:32,083 --> 00:21:34,711
'Di ikaw ang nagpangalan
at nagpalaki sa kanya.

327
00:21:34,794 --> 00:21:38,256
Binuo siya ng Vought sa test tube
para pumalit sa'yo.

328
00:21:38,881 --> 00:21:42,385
Siya ang dahilan
kaya hinayaan ka nilang mabulok sa Russia.

329
00:21:42,468 --> 00:21:43,594
Alam mo, pare.

330
00:21:47,306 --> 00:21:48,975
May usapan tayo.

331
00:22:02,572 --> 00:22:03,781
Magpapahangin lang ako.

332
00:22:18,254 --> 00:22:22,592
Kahit libong oras mo hasain, 'di pa rin
makakahiwa sa balat ni Soldier Boy.

333
00:22:29,223 --> 00:22:33,394
Kasama ka sa team niya. Kilala mo siya.

334
00:22:35,021 --> 00:22:36,189
Kumusta ba siya?

335
00:22:41,194 --> 00:22:42,153
MASAMA

336
00:22:43,321 --> 00:22:45,656
Ano ba, wala namang masama lang.

337
00:22:52,914 --> 00:22:54,040
Siya ang tatay ko.

338
00:22:55,374 --> 00:22:57,335
'Di ako naniwala sa kanya noong una.

339
00:22:57,418 --> 00:23:01,714
Kinalkal ko ang mga archive ng kumpanya
at totoo nga.

340
00:23:03,800 --> 00:23:04,884
Totoo nga.

341
00:23:07,595 --> 00:23:09,680
Nagsinungaling sila sa'kin buong buhay ko.

342
00:23:11,307 --> 00:23:12,767
Nakakasorpresa.

343
00:23:14,727 --> 00:23:18,064
'Yong pinakakailangan ko bilang bata,
ipinagkait nila sa'kin.

344
00:23:21,484 --> 00:23:22,610
Ngayon...

345
00:23:23,903 --> 00:23:25,113
DAPAT SIYANG PATAYIN

346
00:23:26,197 --> 00:23:28,074
'Di ako sigurado kung gusto ko.

347
00:23:30,201 --> 00:23:34,580
Nakakatawa na sa tingin ng lahat,
'di ka mabasang rebulto.

348
00:23:35,665 --> 00:23:36,874
Misteryoso.

349
00:23:38,292 --> 00:23:39,502
Hindi ako.

350
00:23:39,585 --> 00:23:41,129
Kita ko ang nasa likod ng maskara.

351
00:23:43,256 --> 00:23:47,218
Literal na nakikita ko ang mukha mo,
ang mga peklat mo galing sa labanan.

352
00:23:47,885 --> 00:23:50,346
Ang tabingi mong ngiti.

353
00:23:50,429 --> 00:23:54,976
Alam ko 'pag masaya ka, 'pag malungkot ka,
'pag nagsasabi ka ng totoo.

354
00:23:56,144 --> 00:23:57,311
'Pag nagsisinungaling ka.

355
00:24:00,189 --> 00:24:01,357
Alam mo ba?

356
00:24:03,109 --> 00:24:05,027
Na may tatay ako...

357
00:24:06,654 --> 00:24:08,156
na buhay noon pa?

358
00:24:26,215 --> 00:24:27,300
Lintik!

359
00:24:30,344 --> 00:24:31,804
Ba't 'di mo sinabi sa'kin?

360
00:25:09,508 --> 00:25:10,927
Dapat sinabi mo sa'kin.

361
00:25:24,857 --> 00:25:26,651
'Wag kang mag-alala, Earving.

362
00:25:26,734 --> 00:25:28,903
Ipinagmamalaki ka namin.

363
00:25:30,988 --> 00:25:33,741
Malapit mo nang makapiling

364
00:25:33,824 --> 00:25:38,246
si Kristong Panginoon.

365
00:26:03,187 --> 00:26:05,189
Lintik. Akala ko, patay ka na.

366
00:26:06,190 --> 00:26:09,360
'Di mo naisip na alam ko
kung saan bibira, 'no?

367
00:26:09,694 --> 00:26:11,237
Atras.

368
00:26:13,781 --> 00:26:14,907
Nasaan si Soldier Boy?

369
00:26:14,991 --> 00:26:17,159
Naka-Temp V ka, Butcher?

370
00:26:18,244 --> 00:26:21,664
-Ano'ng mangyayari 'pag kinalabit ko 'to?
-Sige, gawin mo.

371
00:26:21,747 --> 00:26:23,791
Uy, MM. Tigil.

372
00:26:24,959 --> 00:26:27,878
Kung itutuloy 'to ni Soldier Boy,
libo-libo ang mamamatay.

373
00:26:27,962 --> 00:26:29,463
Tulungan mo kaming pigilan siya!

374
00:26:29,547 --> 00:26:32,508
'Di daycare ang kaharap natin dito, bata.

375
00:26:32,591 --> 00:26:34,135
Vought Tower 'to.

376
00:26:34,218 --> 00:26:38,139
-Nagtrabaho si Becca sa Tower.
-Manahimik ka, Frenchie.

377
00:26:39,473 --> 00:26:40,641
Hindi.

378
00:26:42,184 --> 00:26:43,311
Hindi!

379
00:26:43,894 --> 00:26:47,898
'Di ako mananahimik.

380
00:26:47,982 --> 00:26:52,403
'Di mo na 'ko mauutusan ulit.
Tapos na 'ko sa kalupitan mo.

381
00:26:52,486 --> 00:26:54,780
-Frenchie, mag-focus ka.
-Dapat akong irespeto!

382
00:26:54,864 --> 00:26:58,159
At dapat kaming magkaroon
ng bayad na bakasyon at dental plan.

383
00:26:58,242 --> 00:26:59,493
Narinig ka namin.

384
00:27:01,370 --> 00:27:03,539
Puwede mo 'kong hayaang mamatay sa V.

385
00:27:03,622 --> 00:27:06,876
Pero iniligtas mo 'ko,
sa pinakamalalang paraang posible.

386
00:27:06,959 --> 00:27:08,210
Pero gano'n pa rin.

387
00:27:10,171 --> 00:27:12,548
Sa tingin ko, 'di mo 'to gustong gawin.

388
00:27:12,631 --> 00:27:15,092
Sa tingin ko, gusto mong pigilan kita.

389
00:27:15,176 --> 00:27:16,886
Gaya ng ginagawa ni Lenny dati.

390
00:27:22,350 --> 00:27:24,143
-Maeve, 'wag!
-Ano...

391
00:27:26,270 --> 00:27:29,148
Tama si Butcher.
Kailangang mamatay ni Homelander.

392
00:27:29,231 --> 00:27:30,858
'Yon lang. Kahit ano'ng kapalit.

393
00:27:32,026 --> 00:27:34,612
Akala ko talaga bayani ka.

394
00:27:35,112 --> 00:27:38,449
Mali ka. Walang bayani.

395
00:27:38,949 --> 00:27:41,118
'Di ito mangyayari.

396
00:27:42,203 --> 00:27:46,290
-Annie, ayaw kitang saktan.
-Pero masaya akong gawin 'yon.

397
00:27:50,002 --> 00:27:52,171
Sige, kayong lahat, pumunta kayo sa safe.

398
00:27:53,589 --> 00:27:54,423
Uy.

399
00:27:56,967 --> 00:27:58,803
Sa safe.

400
00:28:05,142 --> 00:28:06,185
Tara.

401
00:28:07,895 --> 00:28:10,564
'Di tayo mananalo.
'Di laban sa kanilang lahat.

402
00:28:25,246 --> 00:28:26,497
Ayan.

403
00:28:27,498 --> 00:28:29,792
Kailangan ni Tinkerbell ng kuryente.

404
00:28:31,168 --> 00:28:35,548
Ako si Starlight, at sinasabi ko sa inyo,
kailangan n'yong umalis sa Tower. Ngayon.

405
00:28:35,631 --> 00:28:38,467
-Bakit?
-Kasi buhay si Soldier Boy...

406
00:28:38,551 --> 00:28:41,971
Pinadaan namin sa pangsuri ng boses,
siya talaga 'yan

407
00:28:42,054 --> 00:28:43,848
kaya sa tingin ko, dapat lumikas.

408
00:28:43,931 --> 00:28:47,268
Walang lilikas.
Kailangan nating magpakita ng kalakasan.

409
00:28:47,935 --> 00:28:48,978
Tama.

410
00:28:49,061 --> 00:28:50,688
Hindi, magaling 'yon. Kalakasan.

411
00:28:50,771 --> 00:28:53,357
'Yong angelfish ko,
o 'yon ang tawag ko sa Analytics,

412
00:28:53,441 --> 00:28:57,278
sa tingin namin, si Noir ang habol
ni Soldier Boy, ang huli sa Payback, 'no?

413
00:28:57,361 --> 00:28:59,155
Kaya dapat nating ipain si Noir,

414
00:28:59,238 --> 00:29:02,032
nang sa gano'n, si Soldier Boy,
dumiretso sa...

415
00:29:08,831 --> 00:29:10,958
Uy, ayos lang ang lahat kay Noir?

416
00:29:11,292 --> 00:29:13,169
Pinaglilihiman niya ako.

417
00:29:14,503 --> 00:29:17,631
No'ng una akong inilabas ng kumpanya
sa harap ng mga camera,

418
00:29:17,715 --> 00:29:21,135
sabi nila, magkakaroon daw ako
ng sarili kong team.

419
00:29:21,218 --> 00:29:25,681
Ang team na 'yon, gusto ko talagang
maging pamilya ko na 'di ako nagkaroon.

420
00:29:26,307 --> 00:29:28,434
Tapos, kayo ang nakuha ko.

421
00:29:30,478 --> 00:29:32,480
Lagi kong sinusubukang tumulong, sir.

422
00:29:32,563 --> 00:29:34,815
Ano, tulad no'ng tumakas ka sa Herogasm?

423
00:29:34,899 --> 00:29:37,276
O no'ng tumira ka ng octopus?

424
00:29:38,944 --> 00:29:40,404
Gusto mo talagang tumulong?

425
00:29:56,795 --> 00:29:57,713
Pero, sir...

426
00:30:00,299 --> 00:30:01,675
pagtataksil 'yon?

427
00:30:01,759 --> 00:30:02,968
Ang bigat, ha.

428
00:30:05,763 --> 00:30:07,640
Kahit anong kailangan mo, Homelander.

429
00:30:08,307 --> 00:30:09,266
Sir.

430
00:30:12,228 --> 00:30:13,604
Ashley, hubarin mo 'yang wig.

431
00:30:14,480 --> 00:30:15,481
Anong wig?

432
00:30:35,543 --> 00:30:36,919
Tapos, ikaw naman.

433
00:30:38,128 --> 00:30:41,799
Paano mo walang habas na pinatay
ang kauri mo?

434
00:30:42,466 --> 00:30:47,555
Sasabihin mo sa mundo na tayo lang

435
00:30:48,347 --> 00:30:49,598
ang totoong hustisya.

436
00:30:52,893 --> 00:30:56,021
Mas matimbang si Noir
kahit pagsama-samahin pa kayo.

437
00:30:59,275 --> 00:31:00,442
'Di ko kayo pamilya.

438
00:31:01,610 --> 00:31:03,612
'Di ko kailangan ang kahit sino sa inyo.

439
00:31:03,696 --> 00:31:04,863
Tandaan n'yo 'yan.

440
00:31:12,079 --> 00:31:13,455
Kung ibabalita?

441
00:31:13,539 --> 00:31:16,667
Kung kukunin akong VP ni Dakota Bob,
ikararangal ko.

442
00:31:17,084 --> 00:31:18,502
Kung hindi ibabalita?

443
00:31:18,586 --> 00:31:21,213
May inaasahan akong magandang balita
sa Prayer Breakfast.

444
00:31:57,666 --> 00:31:58,751
Lintik.

445
00:32:06,800 --> 00:32:10,220
Kanina pa sila nauna.
Pero may alam akong pasukan.

446
00:32:10,804 --> 00:32:11,680
Tapos?

447
00:32:11,764 --> 00:32:14,767
Kasi mula rito,
magigisa tayo nang walang mantika.

448
00:32:14,850 --> 00:32:16,685
Walang plano at walang pampatulog.

449
00:32:16,769 --> 00:32:20,147
-Saan pa tayo makakakuha?
-Wala. Nag-iisa 'yon.

450
00:32:23,442 --> 00:32:26,737
May isang lab sa New York, ewan ko...

451
00:32:26,820 --> 00:32:29,448
Baka meron sila ng mga kailangan ko.

452
00:32:29,531 --> 00:32:32,242
Gaya ng iniadya ng tadhana,
papunta tayo ro'n. Kaya...

453
00:32:32,326 --> 00:32:34,620
-Nagbibiro ka.
-Pupuslit kami sa Vought

454
00:32:34,703 --> 00:32:37,247
habang pupunta kayo sa lab
na puno ng armadong guwardiya

455
00:32:37,331 --> 00:32:39,583
at lulutuin n'yo
ang pinakadelikadong neurotoxin,

456
00:32:39,667 --> 00:32:43,003
gamit ang ano, kaunting tapang
at kaunting salamangka?

457
00:32:43,087 --> 00:32:47,132
Habang nililibang namin
sina Homelander at Soldier Boy.

458
00:32:54,306 --> 00:32:55,724
Ayos lang sa'kin.

459
00:32:57,851 --> 00:32:59,019
Sa'kin din.

460
00:33:05,192 --> 00:33:07,444
Sa pinakamahalagang bagay sa buhay ko,

461
00:33:08,362 --> 00:33:10,948
bangag na basura ng Europe
ang inaasahan ko.

462
00:33:15,661 --> 00:33:16,745
Nakakapagtaka.

463
00:33:35,055 --> 00:33:37,266
PINALAYA NI SOLDIER BOY
ANG KAMPONG KULUNGAN NG MGA NAZI

464
00:33:38,058 --> 00:33:41,437
Ang mga pinakawalan mong preso rito,
karamihan sa kanila, patay na.

465
00:33:41,520 --> 00:33:42,855
Utang nila sa'yo buhay nila.

466
00:33:42,938 --> 00:33:44,440
'Di ako nandito para sa papuri.

467
00:33:44,523 --> 00:33:46,650
Ang mga lalaki rito,
sila ang totoong bayani.

468
00:33:46,734 --> 00:33:48,610
Walang patawad ang ginawa ng mga German.

469
00:33:48,694 --> 00:33:50,988
Pero pangako ko sa inyo, bibigyan ko sila

470
00:33:51,071 --> 00:33:53,365
ng makalumang hustisya ng Amerika.

471
00:33:54,241 --> 00:33:56,034
Naghasik ng lagim, ha, William?

472
00:33:56,452 --> 00:33:57,536
Naghasik ng lagim.

473
00:34:02,833 --> 00:34:03,876
Nasaan si Noir?

474
00:34:08,255 --> 00:34:09,339
Patay na siya.

475
00:34:11,258 --> 00:34:12,259
Pinatay ko siya.

476
00:34:14,094 --> 00:34:15,095
Bakit?

477
00:34:15,179 --> 00:34:17,139
'Di niya sinabi sa'kin ang tungkol sa'yo.

478
00:34:19,600 --> 00:34:20,768
Mag-isa ako.

479
00:34:23,020 --> 00:34:24,396
Gusto ko lang makipag-usap.

480
00:34:26,190 --> 00:34:29,693
Alam ko ang pakiramdam
ng traydorin ng team mo.

481
00:34:30,569 --> 00:34:32,654
Pero kung magkasama tayo,

482
00:34:33,906 --> 00:34:36,450
wala silang panama. Kahit sino.

483
00:34:41,038 --> 00:34:42,956
Maliban kung tayo muna ang magpatayan.

484
00:34:45,125 --> 00:34:46,376
Totoo. Pero bakit?

485
00:34:46,460 --> 00:34:50,881
Ano, kasi sabi niya?
Wala lang siya, tao siya.

486
00:34:50,964 --> 00:34:53,300
'Wag kang makikinig sa gagong 'yan.

487
00:34:54,510 --> 00:34:56,428
-'Di mo siya anak.
-Anak mo 'ko.

488
00:34:56,512 --> 00:34:58,764
Anak mo 'ko. Dugo mo 'ko.

489
00:34:59,932 --> 00:35:01,391
'Yon lang ang mahalaga.

490
00:35:02,976 --> 00:35:03,977
Siguro.

491
00:35:15,697 --> 00:35:16,782
Ryan.

492
00:35:18,617 --> 00:35:21,370
Ito ang anak ko, si Ryan. Ang apo mo.

493
00:35:23,372 --> 00:35:24,581
Hi, Lolo.

494
00:35:26,250 --> 00:35:27,334
Kita mo?

495
00:35:28,418 --> 00:35:30,254
May pamilya ka. Nandito siya...

496
00:35:33,257 --> 00:35:34,508
at nandito ako.

497
00:35:40,973 --> 00:35:43,183
Sayang at na-miss ko...

498
00:35:44,643 --> 00:35:45,853
napalampas.

499
00:35:46,520 --> 00:35:49,690
Sana napalaki at naturuan kita.

500
00:35:49,773 --> 00:35:51,942
-Ama sa anak.
-Oo, ako rin.

501
00:35:52,693 --> 00:35:55,279
Pero ayos lang 'yon.
'Di na tayo nag-iisa.

502
00:35:55,696 --> 00:35:57,114
Kasama natin ang isa't isa.

503
00:36:01,076 --> 00:36:03,078
Baka kung ako ang nagpalaki sa'yo,

504
00:36:04,496 --> 00:36:06,123
mas napaigi sana kita.

505
00:36:08,792 --> 00:36:12,713
Para 'di ka naging mahina at iyakin

506
00:36:13,589 --> 00:36:15,257
na papansin.

507
00:36:17,050 --> 00:36:19,428
Pero 'di na 'yon maaayos ngayon.

508
00:36:19,511 --> 00:36:20,470
Mahina?

509
00:36:22,139 --> 00:36:24,099
-Ako ikaw.
-Alam ko.

510
00:36:26,268 --> 00:36:28,562
Nakakadismaya ka.

511
00:36:29,771 --> 00:36:31,023
Tantanan mo siya.

512
00:36:31,273 --> 00:36:34,067
Umalis ka rito, Ryan.
Umalis ka na sa gusaling 'to!

513
00:36:34,151 --> 00:36:35,485
Butcher, tigil, pakiusap!

514
00:36:35,777 --> 00:36:37,029
'Di mo 'to kayang gawin.

515
00:36:37,112 --> 00:36:39,072
-Tigil. Pakiusap.
-'Wag mo 'tong gawin.

516
00:36:39,656 --> 00:36:41,199
'Wag mo 'tong gawin.

517
00:36:46,997 --> 00:36:49,750
Ryan, bumalik ka sa itaas, ngayon na!

518
00:36:52,586 --> 00:36:53,754
Ryan!

519
00:36:58,550 --> 00:37:00,135
Tarantado ka.

520
00:37:10,687 --> 00:37:11,813
Ryan.

521
00:37:12,272 --> 00:37:13,190
Uy.

522
00:37:39,466 --> 00:37:42,135
-Ano'ng ginagawa mo?
-'Wag ang bata.

523
00:37:42,219 --> 00:37:45,138
Sabi mo, 'di mahalaga ang kadugo.
'Yon ang punto.

524
00:37:45,222 --> 00:37:46,515
Anak siya ng asawa ko.

525
00:37:48,600 --> 00:37:50,686
Teka, tinira ni Homelander ang asawa mo?

526
00:37:51,687 --> 00:37:53,355
At gusto mong iligtas ang bata?

527
00:37:53,855 --> 00:37:57,150
-Ano'ng problema mo?
-Nangako ako.

528
00:37:57,234 --> 00:37:58,360
Ito na 'yon.

529
00:37:59,569 --> 00:38:01,989
Lahat ng gusto mo, nando'n siya.

530
00:38:02,072 --> 00:38:04,074
-Ngayon, kukurap ka?
-Umatras ka.

531
00:38:04,157 --> 00:38:05,075
Gago ka!

532
00:38:08,203 --> 00:38:09,579
Mas mahina ka pa sa kanya.

533
00:38:13,625 --> 00:38:14,626
Uy.

534
00:38:15,043 --> 00:38:17,963
-Papa.
-Oo, nandito ako.

535
00:38:18,338 --> 00:38:19,589
Ayos ka lang.

536
00:38:26,680 --> 00:38:27,681
Hoy, tarantado.

537
00:38:31,226 --> 00:38:33,812
-Maeve, may mas mahalaga pa tayo.
-Ako, wala.

538
00:38:36,857 --> 00:38:38,316
Sabi ko, 'wag ngayon.

539
00:38:45,115 --> 00:38:47,492
Maeve, tigil.

540
00:39:47,636 --> 00:39:49,513
Testing, testing, testing.

541
00:39:49,596 --> 00:39:50,806
Sige, ang lakas n'yan.

542
00:39:52,557 --> 00:39:55,519
Atensyon! May banta ng terorista.

543
00:39:55,602 --> 00:39:58,021
Umalis na kayo sa lalong madaling panahon.

544
00:39:58,105 --> 00:40:00,398
'Di ito pagsasanay. 'Di ito pagsubok.

545
00:40:00,482 --> 00:40:01,983
Saan ka papunta?

546
00:40:02,067 --> 00:40:04,319
-Kasama mo, Ashley, papunta sa helipad.
-Oo.

547
00:40:04,402 --> 00:40:08,115
Nakareserba ang Sikorsky
sa mga SVP at mas mataas.

548
00:40:11,243 --> 00:40:12,369
Pasensya na, Ashley.

549
00:40:31,513 --> 00:40:33,390
Tigil! Patingin ng kamay n'yo!

550
00:41:19,102 --> 00:41:20,103
Lintik!

551
00:42:16,993 --> 00:42:18,828
Nagawa ko na ang Novichok.

552
00:42:24,876 --> 00:42:25,961
Dali!

553
00:42:32,759 --> 00:42:35,053
Lintik 'yang shield mo!

554
00:43:16,970 --> 00:43:18,221
Naku!

555
00:43:18,305 --> 00:43:20,223
Hindi, hindi.

556
00:43:20,307 --> 00:43:21,308
Hindi.

557
00:44:38,093 --> 00:44:39,302
'Di ka bayani.

558
00:44:39,386 --> 00:44:42,931
Isa ka lang ding racist
na 'di namin madispatsa.

559
00:44:43,014 --> 00:44:44,599
Para 'to sa pamilya ko.

560
00:44:49,813 --> 00:44:50,730
Gago ka.

561
00:44:59,948 --> 00:45:04,702
'Di ako babalik sa kahong 'yon.

562
00:45:04,786 --> 00:45:06,162
Hindi, papatayin mo lahat.

563
00:45:42,240 --> 00:45:43,283
Lintik!

564
00:46:28,328 --> 00:46:29,287
Lintik!

565
00:46:38,880 --> 00:46:41,966
Nasaktan ka ba?
Ryan, Tumingin ka sa'kin.

566
00:47:04,030 --> 00:47:04,989
Papa.

567
00:47:07,033 --> 00:47:08,284
Gusto ko nang umalis.

568
00:47:12,413 --> 00:47:14,499
Umalis na tayo. Pakiusap.

569
00:47:15,583 --> 00:47:16,876
Gusto ko nang umalis.

570
00:47:17,460 --> 00:47:18,419
Ryan.

571
00:47:28,471 --> 00:47:29,597
Pakiusap.

572
00:48:08,344 --> 00:48:11,014
Isa siya sa pinakamagagaling na superhero
ng Amerika.

573
00:48:11,097 --> 00:48:13,182
Huwaran para sa mga batang babae
kahit saan.

574
00:48:13,266 --> 00:48:14,100
PAGGUNITA KAY QUEEN MAEVE

575
00:48:14,183 --> 00:48:17,270
Malakas at taas-noong lesbian
na nagbigay-daan sa iba para

576
00:48:17,353 --> 00:48:19,606
maipakita sa mundo
ang totoong pagkatao nila.

577
00:48:19,689 --> 00:48:21,441
Ginawa niya ang pinakamalaking sakripisyo

578
00:48:21,524 --> 00:48:25,695
no'ng pinigilan niya ang radikal na
si Soldier Boy at iniligtas tayong lahat.

579
00:48:25,778 --> 00:48:29,157
Ngayon, magpapaalam ang Amerika
kay Queen Maeve.

580
00:48:29,240 --> 00:48:33,870
...may pinsala na.
Natanggal na namin ang likido, pero...

581
00:48:33,953 --> 00:48:35,163
Mr. Butcher?

582
00:48:36,873 --> 00:48:37,749
Pasensya na.

583
00:48:37,832 --> 00:48:41,544
Makakaapekto sa pamumuhay mo
kung susubukan pa nating gamutin,

584
00:48:41,628 --> 00:48:44,797
nang hindi naman talaga natin
napapahaba ang buhay mo.

585
00:48:48,593 --> 00:48:50,219
Sir, bawal manigarilyo.

586
00:48:51,929 --> 00:48:53,306
Gaano katagal ang taning ko?

587
00:48:54,057 --> 00:48:55,058
Ilang buwan.

588
00:48:55,391 --> 00:48:58,102
Labindalawa, 18 kung masuwerte.

589
00:49:07,528 --> 00:49:08,363
Sige...

590
00:49:09,572 --> 00:49:11,449
makakaalis ka na.

591
00:49:22,085 --> 00:49:24,879
Alam mo, noon pa, Janine,

592
00:49:26,005 --> 00:49:28,216
ayaw kitang masangkot dito.

593
00:49:29,592 --> 00:49:30,760
Pero alam mo?

594
00:49:32,845 --> 00:49:34,639
'Di ito dapat ikahiya.

595
00:49:35,223 --> 00:49:36,307
Ang totoo...

596
00:49:37,475 --> 00:49:39,560
'Di laging mabuti ang mga superhero.

597
00:49:40,812 --> 00:49:43,106
Ang isa sa kanila, si Soldier Boy,

598
00:49:44,691 --> 00:49:47,819
pinatay niya ang marami
sa mga kamag-anak natin noon.

599
00:49:50,655 --> 00:49:51,989
Ikinalulungkot ko 'yon.

600
00:49:53,700 --> 00:49:57,203
Kung minsan, nagagalit ako
'pag iniisip ko.

601
00:50:02,917 --> 00:50:03,960
Pero...

602
00:50:05,586 --> 00:50:11,426
ang lolo mo, buong buhay siyang lumaban
para magkaroon ng hustisya.

603
00:50:14,220 --> 00:50:15,638
At ngayon, ako rin.

604
00:50:16,597 --> 00:50:19,517
Gusto ko lang malaman mo
na dapat mo 'tong ipagmalaki.

605
00:50:20,810 --> 00:50:24,355
Ang lolo mo, totoo siyang bayani.

606
00:50:27,483 --> 00:50:29,026
Ikaw ang bayani ko, Daddy.

607
00:50:32,613 --> 00:50:33,740
Salamat.

608
00:50:40,329 --> 00:50:41,706
Tao po?

609
00:50:42,790 --> 00:50:43,791
Ako 'to.

610
00:50:45,251 --> 00:50:46,335
Nand'yan ka ba?

611
00:50:50,923 --> 00:50:51,924
Diyos ko!

612
00:50:52,842 --> 00:50:54,051
Grabe...

613
00:50:55,428 --> 00:50:57,263
Grabe ang hitsura mo.

614
00:50:57,346 --> 00:50:58,973
Tumigil ka nga, Smurfette.

615
00:51:01,434 --> 00:51:03,352
Magiging ayos ka lang ba?

616
00:51:04,395 --> 00:51:06,189
Dahan-dahan, masakit.

617
00:51:06,814 --> 00:51:09,650
Tulad ng lahat ng walang kapangyarihan
sa Amerika.

618
00:51:10,151 --> 00:51:12,111
Salamat kay Soldier Boy.

619
00:51:14,405 --> 00:51:15,531
May tanong ako.

620
00:51:15,615 --> 00:51:20,119
Dapat ba akong mag-pirate patch
o mag-glass eye gaya kay Sammy Davis?

621
00:51:20,203 --> 00:51:22,163
'Yong pirate patch. Sigurado.

622
00:51:22,246 --> 00:51:23,206
Handa ka na?

623
00:51:23,706 --> 00:51:25,416
-Uy.
-Uy, Elena.

624
00:51:27,126 --> 00:51:28,920
Saan kayo pupunta?

625
00:51:29,003 --> 00:51:32,173
Ewan ko. Sa lugar na
'di ako mahahanap ni Homelander.

626
00:51:32,256 --> 00:51:33,841
Sa bukid sana.

627
00:51:34,300 --> 00:51:35,760
Taga-Modesto siya.

628
00:51:35,843 --> 00:51:38,429
-Future Farmer of America siya dati.
-Tama.

629
00:51:43,059 --> 00:51:44,018
Salamat.

630
00:51:46,062 --> 00:51:47,480
Sa lahat.

631
00:51:48,898 --> 00:51:53,194
No'ng una kang pumunta sa Tower,
mahinhin ka pa,

632
00:51:53,736 --> 00:51:55,404
umiiyak ka sa banyo,

633
00:51:57,323 --> 00:51:58,491
iniligtas mo 'ko.

634
00:51:59,116 --> 00:52:01,369
Ang totoo n'yan, 'di mo na 'ko kailangan.

635
00:52:02,537 --> 00:52:03,788
Kaya kong tumalon no'n.

636
00:52:05,248 --> 00:52:06,999
Ikaw, kaya mong lumipad.

637
00:52:17,385 --> 00:52:20,096
Para kang naglalakad na Hallmark card,
tama na 'yan.

638
00:52:23,808 --> 00:52:24,851
Paalam.

639
00:53:01,053 --> 00:53:02,305
LIGTAS NA NA-DELETE

640
00:53:35,504 --> 00:53:37,423
'Di ko sinusulat ito para sa'kin.

641
00:53:37,506 --> 00:53:41,427
Para ito sa lahat ng babaeng

642
00:53:44,597 --> 00:53:46,891
'Di n'yo kilala ang totoong Kevin.

643
00:53:48,267 --> 00:53:50,311
At kung oo, 'di n'yo siya magugustuhan.

644
00:53:50,895 --> 00:53:52,897
Sana lang...

645
00:54:07,161 --> 00:54:09,121
Sigurado ka bang gusto mo 'tong gawin?

646
00:54:18,547 --> 00:54:19,966
'Di ko 'yan kailangan.

647
00:54:20,049 --> 00:54:22,551
Hindi. 'Di ako binigyan ng kapangyarihan
ng suit.

648
00:54:22,635 --> 00:54:25,137
At lalo naman ang Vought.

649
00:54:31,018 --> 00:54:33,854
Ako lang noon pa.

650
00:54:40,361 --> 00:54:41,570
Annie.

651
00:54:42,071 --> 00:54:44,407
Alam mo, nasa makasaysayang gusali tayo.

652
00:54:44,490 --> 00:54:47,618
Kailangan mong ibuhol nang doble
at isupot ang basura mo.

653
00:54:48,953 --> 00:54:50,871
Kung magtatrabaho ka rito.

654
00:54:51,872 --> 00:54:53,708
'Di magugustuhan ni Butcher.

655
00:54:53,791 --> 00:54:55,918
Walang magagawa si Butcher.

656
00:54:56,293 --> 00:54:59,005
Mula ngayon, demokrasya na 'to.

657
00:55:00,756 --> 00:55:02,591
Para sa'kin, parte ka na ng The Boys.

658
00:55:04,010 --> 00:55:05,011
Sa'kin din.

659
00:55:31,746 --> 00:55:33,164
Naku po.

660
00:55:34,957 --> 00:55:38,627
Pagkatapos ng malagim na pagkalunod
ng kandidatong VP na si Lamar Bishop,

661
00:55:38,711 --> 00:55:41,714
live tayo sa Singer Campaign
sa Sioux Falls,

662
00:55:41,797 --> 00:55:44,341
kung saan inanunsyo ni Dakota Bob
ang katambal niya.

663
00:55:44,425 --> 00:55:47,511
Ano'ng gusto mong sabihin
sa mga taga-Amerika?

664
00:55:47,595 --> 00:55:48,596
INANUNSYO NI DAKOTA BOB ANG NAPILING VP

665
00:55:48,679 --> 00:55:51,640
Bilang susunod na bise presidente,
magsisikap akong makapagbigay

666
00:55:51,724 --> 00:55:56,395
ng ligtas na hinaharap para sa lahat
ng mamamayan sa magkabilang panig.

667
00:55:56,479 --> 00:55:59,565
Kaya ko ipinagmamalaki
na nasa team ko siya.

668
00:56:11,452 --> 00:56:12,453
Ah..

669
00:56:17,750 --> 00:56:18,751
Ang babaeng 'yan...

670
00:56:20,377 --> 00:56:22,046
kailangan na talagang mawala.

671
00:56:32,473 --> 00:56:33,557
Hoy!

672
00:56:33,641 --> 00:56:35,142
Lintik ang mga kasinungalingan n'yo.

673
00:56:36,852 --> 00:56:38,270
Lintik si Starlight!

674
00:56:41,565 --> 00:56:42,691
Homelander!

675
00:56:45,778 --> 00:56:46,779
Uy.

676
00:56:48,280 --> 00:56:50,241
Ayos. Natutuwa akong makita kayo.

677
00:56:50,324 --> 00:56:51,492
Mahal ko kayo.

678
00:56:51,992 --> 00:56:53,619
Kayo ang Amerikano.

679
00:56:53,702 --> 00:56:55,037
Totoong makabayan.

680
00:56:55,121 --> 00:56:57,498
Gusto n'yo bang makilala ang isang tao?

681
00:56:57,581 --> 00:56:59,208
Isang taong napakaespesyal sa'kin.

682
00:56:59,291 --> 00:57:00,960
-Oo.
-Talaga?

683
00:57:01,043 --> 00:57:02,670
Sige. Halika, anak.

684
00:57:06,924 --> 00:57:08,425
Kayong lahat.

685
00:57:10,177 --> 00:57:11,720
Ang batang 'to...

686
00:57:12,388 --> 00:57:14,181
ay ang anak kong si Ryan.

687
00:57:18,477 --> 00:57:20,312
Gago ka, pasista!

688
00:57:43,252 --> 00:57:44,170
Ayos.

689
00:57:45,337 --> 00:57:46,463
Ayos!

690
00:57:47,131 --> 00:57:48,549
Ayos!

691
00:57:48,841 --> 00:57:50,050
Ayos!

692
00:57:58,392 --> 00:57:59,602
Ayos na ayos!

693
01:00:21,410 --> 01:00:23,412
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Alyssa Lesaca

694
01:00:23,495 --> 01:00:25,497
Mapanlikhang Superbisor: Jessica Ignacio

